Sa Pandaigdigang Araw ng mga Bilanggong Pulitikal: Piket, pag-aayuno, pangkulturang pagtatanghal

December 4, 2011

Iba’t ibang anyo ng protesta ang isinagawa kahapon ng mga grupo para sa karapatang pantao, bilang pakikipagkaisa sa Pandaigdigang Araw ng mga Bilanggong Pulitikal, Disyembre 3.

Sa harap ng Kampo Crame sa Quezon City, nagpiket ang mga kaibigan at kaanak ng mga bilanggong pulitikal upang igiit ang panawagan sa kanilang agarang pagpapalaya.

“Hindi namin matanggap na ang 360 bilanggong pulitikal na sinampahan ng mga gawa-gawang kaso at ipiniit nang dahil sa kanilang paninindigan ay nasa napakasamang kalagayan…habang si Gloria Arroyo naman ay napakakumportable sa isang ospital at nakakatanggap ng ‘special treatment’ mula sa gobyernong Aquino,” ani Angie Ipong, pangkalahatang kalihim ng Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (Selda).

Sa iba’t ibang dako ng bansa, nagsimula ng pag-aayuno (fasting) ang mga bilanggong pulitikal at ang kanilang mga taga-suporta. Ang mga bilanggo sa Timog Katagalugan, Compostela Valley, Timog Mindanao at sa Samar Sub-provincial Jail kung saan nakadetine ang makata na si Ericson Acosta, ay nagsasagawa ng hunger strike bilang pakikipagkaisa  sa panawagan ng pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal sa buong bansa. Sa Compostela Valley Provincial Jail, 16 bilanggong pulitikal at mga 500 regular na inmate ang nagsagawa ng hunger strike at noise barrage mula pa nitong Nobyembre 27 upang idemanda ang serbisyong pangkalusugan para sa maysakit at matatandang bilanggo, pagpapaayos ng mga pasilidad sa piitan, at pagpapabilis ng proseso ng paglilitis ng mga kaso.

Itinanghal naman sa pagtutulungan ng iba’t ibang grupo ng mga artista ang palabas na “POLDET: Panata sa Kalayaan ng mga Detenido Pulitikal” sa Access Point Bar, Quezon City. Itinampok dito ang mga testimonya ng mga dating detenido na sina Bonifacio Ilagan at Judy Taguiwalo sa panahon ng Batas Militar, at sina Axel Pinpin, Angie Ipong at Jane Balleta ng Morong 43 na ibinilanggo sa ilalim ng rehimen ni Gloria Arroyo. Nakipagkaisa rin sa pagtatanghal ang iba pang dating detenido gaya nina Lito Ocampo, Donato Continente, at Dr. Merry Clamor ng Morong 43.

Pagtatanghal ng 'POLDET.' (KR Guda)

Pagtatanghal ng ‘POLDET.’ (KR Guda)

“Pinakikilala ng POLDET ang napakayamang panitikan mula sa piitan, mula pa noong Martial Law hanggang sa ngayon,” ani Donna Dacuno, direktor ng palabas. Lumahok sa pagtatanghal ang mga grupong Kilometer 64 Poetry Collective, Anino Shadow Play Collective, UP Silip, Karatula, Sinagbayan, Los Indios Bravos at e.g.Yolk Productions.

Itinampok din sa POLDET ang kalagayan ng mga artistang kasalukuyang nakadetine gaya ng makata at NDF konsultant na si Alan Jazmines, ang UP film student na si Maricon Montajes, at si Acosta.

Ang mga tula at awit ni Acosta, na umani ng nominasyon sa pandaigdigang 2011 Imprisoned Artist Prize ng Freedom to Create sa Cape Town, South Africa ay itinanghal sa POLDET. Si Acosta ay nominado rin para sa 2011 Wiki Pinoy of the Year ng online encyclopedia na WikiPilipinas.

Ayon sa grupong Karapatan, may 360 bilanggong pulitikal sa buong bansa sa kasalukuyan. Mga 78 sa kanila ay inaresto at ikinulong sa ilalim ng panunungkulan ni Pang. Benigno Aquino III.

Ilan sa mga larawan ng pagtatanghal ng ‘Poldet’ noong Dis. 3:

Cynthia Espiritu, media engagement officer ng PinoyMedia Center, Inc., hinggil sa produksiyon, sa pre-show program ng "Poldet." (KR Guda)

Cynthia Espiritu, media engagement officer ng PinoyMedia Center, Inc., hinggil sa produksiyon, sa pre-show program ng “Poldet.” PMC, na siyang publisher ng Pinoy Weekly, ang isa sa mga isponsor ng Poldet, kasama ang Free Ericson Acosta Campaign. (KR Guda)

Jigs Clamor ng Karapatan, sa pre-show, hinggil sa kalagayan ng mga detinidong pulitikal. (KR Guda)

Jigs Clamor ng Karapatan, sa pre-show, hinggil sa kalagayan ng mga detinidong pulitikal. (KR Guda)

Ginampanan ni Soliman Cruz (gitna) ang pagiging malupit na pasistang militar. (KR Guda)

Ginampanan ni Soliman Cruz (gitna) ang pagiging malupit na pasistang militar. (KR Guda)

(KR Guda)

(KR Guda)

Vencer Crisostomo (kaliwa) at Bonifacio Ilagan. (KR Guda)

Vencer Crisostomo (kaliwa) at Bonifacio Ilagan. (KR Guda)

Axel Pinpin. (KR Guda)

Axel Pinpin. (KR Guda)

Si Jane Balleta (kanan) ng Morong 43, hinggil sa pagpapahirap sa mga manggagawang pangkultura. (KR Guda)

Si Jane Balleta (kanan) ng Morong 43, hinggil sa pagpapahirap sa mga manggagawang pangkalusugan. (KR Guda)

Angie Ipong, bilanggong pulitikal noong panahon ng rehimeng Arroyo, at kasalukuyang pangkalahtang kalihim ng Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (Selda). (KR Guda)

Angie Ipong, bilanggong pulitikal noong panahon ng rehimeng Arroyo, at kasalukuyang pangkalahatang kalihim ng Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (Selda). (KR Guda)

(KR Guda)

(KR Guda)

(KR Guda)

(KR Guda)

Prop. Judy Taguiwalo. (KR Guda)

Prop. Judy Taguiwalo. (KR Guda)