Karapatang Pantao

Maralitang lungsod iginiit ang pagsuko ni Palparan


“Doble-kara!”

Ito ang paglalarawan sa Malakanyang ng mga maralitang lungsod ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), matapos manawagan ang Palasyo na ang nagtatagong dating heneral Jovito Palparan Jr.

Anila, kakatwang ipinapanawagan ng administrasyong Aquino ang pagsuko ng retiradong heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) samantalang patuloy pa ring sinusupil nito ang lehitimong mga aktibista tulad ng dalawang lider ng Kadamay na dinukot ng pulis at militar noong Pebrero 7 sa Laguna.

Ayon sa Kadamay, dapat umanong si dating heneral Jovito Palparan ang arestuhin sa halip na mga lider-maralita at aktibista. (Macky Macaspac)
Nagprotesta ang mga maralitang miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap, o Kadamay, sa harapan ng Camp Aguinaldo sa Quezon City para kondenahin ang anila'y ilegal na pag-aresto ng pinagsanib na puwersa ng militar at kapulisan  sa dalawang kababaihang lider-maralita sa Laguna.  Panawagn ng grupo na kagyat na palayain ang kanilang dalawa.  (Macky Macaspac)
Nagprotesta ang mga maralitang miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap, o Kadamay, sa harapan ng Camp Aguinaldo sa Quezon City para kondenahin ang anila'y ilegal na pag-aresto ng pinagsanib na puwersa ng militar at kapulisan sa dalawang kababaihang lider-maralita sa Laguna. Panawagn ng grupo na kagyat na palayain ang kanilang dalawang kasamahan. (Macky Macaspac)

“Doble-kara!”

Ito ang paglalarawan sa Malakanyang ng mga maralitang lungsod ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), matapos manawagan ang Palasyo na sumuko ang nagtatagong dating heneral Jovito Palparan Jr.

Anila, kakatwang ipinapanawagan ng administrasyong Aquino ang pagsuko ng retiradong heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) samantalang patuloy pa ring sinusupil nito ang lehitimong mga aktibista tulad ng dalawang lider ng Kadamay na dinukot ng pulis at militar noong Pebrero 7 sa Laguna.

Para sa kanila, patunay ito na hindi sinsero ang punong kumander ng AFP na si Pang. Benigno Aquino III sa pagtugis sa mga lumalabag sa karapatang pantao sa militar tulad ni Palparan.

“Sa kasalukuyang  pamamalakad ng AFP at PNP, paano kami makakaasa na mabibigyang hustisya ng administrasyong Aquino ang mga naging biktima ng malalang paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng (nakaraang) administrasyong Arroyo at ng berdugong si Palparan?” tanong ni Gloria Arellano, pangkalahtang kalihim ng Kadamay.

Ayon sa Kadamay, dapat umanong si dating heneral Jovito Palparan ang arestuhin sa halip na mga lider-maralita at aktibista.  (Macky Macaspac)
Ayon sa Kadamay, dapat umanong si dating heneral Jovito Palparan ang arestuhin sa halip na mga lider-maralita at aktibista. (Macky Macaspac)

Nagpiket ang mga maralita sa harap ng himpilan ng AFP sa Camp Aguinaldo, Quezon City noong Pebrero 12 para igiit ang pagpapalaya sa dalawang lider-maralita na sina Evelyn Legazpi at Pastora Latagan, pag-aresto kay Palparan at pagbasura sa programang kontra-insurhensiya ng AFP na Oplan Bayanihan.

“Marami pa sa hanay ng militar at kapulisan ang naniniwala sa mga naging hakbang ng dating heneral (Palparan) sa pagsugpo sa insurhensiya sa pamamagitan ng mga exta-judicial killing at abduction ng legal na mga aktibista, at pag-red tag kanila bilang mga kasapi ng New People’s Army,” ani Arellano.

Sabi niya, hindi umano malayong ang mga panatiko ni Palparan sa loob ng gobyerno ang humahadlang na mahuli ang nagtatagong heneral.

Binatikos din ng Kadamay si Col. Aurelio Baladad, kumander ng 202nd Infantry Brigade ng Philippine Army na nasa likod umano ng pagdukot kina Legazpi at Latagan. Isa rin umano si Baladad sa mga “panatiko” ni Palparan na siya ring namuno sa ilegal na pag-aresto sa 43 manggagawang pangkalusugan sa Morong, Rizal noong Pebrero 2010.

“Sa halip na ang mga tunay na kriminal ang kanilang tinutugis, iyong mga walang-sala at makabayan pa ang ngayon ay dinadala sa kulungan,” sabi pa ni Arellano.