Utos ng DOLE na ‘lisensiya ng kontraktuwalisasyon,’ binatikos

Nagprotesta ang mga manggagawa sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa harapan ng tanggapan ng Department of Labor and Employmnent (DOLE) para gunitain ang ika-10 taon ng pagpapatupad ng isang DOLE order na anila’y naging “lisensiya ng kontraktuwalisasyon.”

Iprinotesta ng KMU ang sampung taon ng Dole Order No. 18-A na anila'y naging hudyat ng todo-todong kontraktuwalisasyon sa mga manggagawang Pilipino. (Macky Macaspac)
Iprinotesta ng KMU ang sampung taon ng Dole Order No. 18-A na anila'y naging hudyat ng todo-todong kontraktuwalisasyon sa mga manggagawang Pilipino. (Macky Macaspac)
Iprinotesta ng KMU ang sampung taon ng Dole Order No. 18-02 na anila'y naging hudyat ng todo-todong kontraktuwalisasyon sa mga manggagawang Pilipino. (Macky Macaspac)

Nagprotesta ang mga manggagawa sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa harapan ng tanggapan ng Department of Labor and Employmnent (DOLE) para gunitain ang ika-10 taon ng pagpapatupad ng isang DOLE order na anila’y naging “lisensiya ng kontraktuwalisasyon.”

“Matagal ng peste ang kontraktuwalisasyon sa mga manggagawa sa buong bansa. Kinokondena namin ang DOLE Order 18-02. Dapat na itong ibasura,” ani Elmer Labog, tagapangulo ng KMU.

Lumahok din sa protesta ang mga manggagawang kababaihan.  Ayon sa KMU, kalakhan ng mga kontraktuwal ay kababaihan, na mas mababa ang sahod kaysa sa kalalakihan. Wala rin silang benipisyo tulad ng maternity leave, lalo na sa mga economic zones.  "Wala ka nang trabaho sa oras na nabuntis ka," ani Elmer Labog, tagapangulo ng KMU.  (Macky Macaspac)

Sinabi ni Labog na dahil sa naturang utos ng DOLE, tumindi ang kontraktuwalisasyon ng mga manggagawa, at nalagas ang kanilang mga karapatan at benepisyo.

Ayon sa KMU, bagamat ipinagbabawal ng order ang labor-only contracting sa ilalim ng Labor Code, nagbigay naman ng guidelines ang naturang kagawaran para sa mga kapitalista upang mapatupad ang kontraktuwalisasyon nang legal.

Pinapayagan ng naturang DOLE order na ipatupad ang labor-only contracting kapag nakapagrehistro ang mga kapitalista bilang job contractor. Kahit umano esensiyal ang trabaho ng isang kontraktuwal sa kompanya (at maaari itong gawing regular), hindi maaaring kasuhan ang kompanya kung deklaradong pansamantala lamang ang trabaho.

“Inilubog ng kontraktuwalisasyon ang mga manggagawa sa mas malalim na kalagayang alipin. Kalakhan ng mga manggagawa sa buong bansa ang kontraktuwal na mababa ang sahod, walang benepisyo, walang kaseguruhan sa trabaho at ipinagkakait ang karapatang mag-unyon,” dagdag pa ni Labog.

Sabi naman ng grupong pangkabataan na Anakbayan na lalong madaragdagan ang bilang ng kontraktuwal na mga manggagawa kapag nagtapos na sila sa pag-aaral. Pinaka-apektado ang mga kabataan dahil sa naidadagdag na bagong graduates na naghahanap ng trabaho.

Simbolikong sinunog ng mga manggagawa ang imahe ni Pangulong Aqunio at Dole Sek. Rozalinda Baldoz na nagpapakita ng pagkiling ng dalawa sa kontraktuwalisasyon sa pamamagitan ng Dole Order 18-A (Macky Macaspac)
Simbolikong sinunog ng mga manggagawa ang imahe ni Pangulong Aqunio at Dole Sek. Rozalinda Baldoz na nagpapakita ng pagkiling ng dalawa sa kontraktuwalisasyon sa pamamagitan ng Dole Order 18-02(Macky Macaspac)

“Sa 43% ng kabuuang bilang ng unemployed na may college degree. Mapipilitan ang bagong graduates na tanggapin ang iniaalok na mga trabahong kontraktuwal. Masahol pa ang kalagayan ng mga hindi nakapagtapos sa kolehiyo o kahit sa high school man lang,” ani Vencer Crisostomo, tagapangulo ng Anakbayan.

Dagdag ni Crisostomo, ang pagtanggi ng adminstrasyong Aquino na pigilan o alisin ang kontraktuwalisasyon ay pagpapakita ng pagkiling sa mga kapitalista.

“Para sa gobyerno, kapitalista muna bago ang manggagawa,” pagtatapos ni Crisostomo.