Bidyo: Pagtaas ng pamasahe, tinutulan ng kababaihan

March 8, 2012

Tinutulan ng grupong pangkababaihan na Gabriela ang pagtaas ng pamasahe sa pagdinig ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ngayong Marso 8, Araw ng Kababaihan. Dininig ng LTFRB ang petisyong P0.50 fare hike na inihain ng mga grupong pangtransportasyon. Ayon sa grupo, mas makakabenepisyo kapwa sa mga tsuper at komyuter ang pagbasura sa Oil Deregulation Law at pagtanggal sa E-VAT sa langis. Dapat din umanong singilin ang gobyernong Aquino sa kainutilan nito sa pagtaas ng presyo ng langis, kung sakaling matuloy ang pagtaas ng pamasahe.