Istorya ng Linggo Photo Gallery

Audio Slideshow | Sino ang tunay na baliw (o mastermind) — sa pork barrel scam?


Muli, noong Setyembre 21, nagprotesta ang libu-libong mamamayan sa Luneta at Mendiola, Manila. Muli, ang puntirya’y ang sistema ng discretionary funds na patuloy na pinoprotektahan ng administrasyong Aquino sa kabila ng mga pahayag nitong “ia-abolish” na ang pork barrel. Pero sa pagkakataong ito, nataon sa anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar ng nasirang diktador na […]

Muli, noong Setyembre 21, nagprotesta ang libu-libong mamamayan sa Luneta at Mendiola, Manila. Muli, ang puntirya’y ang sistema ng discretionary funds na patuloy na pinoprotektahan ng administrasyong Aquino sa kabila ng mga pahayag nitong “ia-abolish” na ang pork barrel.
(Kuha ni KR Guda)
(Kuha ni KR Guda)

Pero sa pagkakataong ito, nataon sa anibersaryo ng deklarasyon ng Batas Militar ng nasirang diktador na si Ferdinand Marcos ang pagkilos. Pagkakataon din ito para sa sambayanan na gunitain ang malagim na panahong namayani ang pasismo para patahimikin ang mga mamamayang lumalaban, at ang malagim na panahon ng malawakang pandarambong sa kaban ng yaman.

Hindi natapos sa Batas Militar ang pasismo at pandarambong. Hindi rin natapos ang paglaban — kaya naman nandoon sila sa Luneta at Mendiola, muling isinisiwalat kung sino, sa awitin ng isang grupo ng mga mang-aawit sa Luneta noon — “ang tunay na baliw.”
Mga larawan nina KR Guda, Soliman A. Santos at Boy Bagwis | Audio: “Sino ang Tunay na Baliw”, inawit sa Luneta ng Ryan Cayabyab Singers, nirekord ni Renato Reyes Jr.