Pambansang Isyu

Mga Larawan | Malawak na protesta vs pork, inilunsad naman sa Makati


Muli, ipinagpatuloy ng lumalawak na kilusang kontra pork barrel ang pagpoprotesta nito. Muli, minaliit ito ng Philippine National Police (ang tinatayang aabot sa 10,000 ay sinabing umabot lang ng 2,400). Muli, naintriga ang okasyon ng ilang personalidad na nagpakalat ng tsismis (na aktibong mananawagan ng pagbitiw ni Pangulong Aquino ang mga organisador, at tutungo pa raw […]

Pinagdikit na mga larawan ng Million People March sa Ayala Avenue noong Oktubre 4, alas-6 ng gabi. Mula sa mga kuha ni Pher Pasion, gamit ang PanoramaPlus. (Iklik ang larawan para makita ang malaking larawan)
Pinagdikit na mga larawan ng Million People March sa Ayala Avenue noong Oktubre 4, alas-6 ng gabi. Mula sa mga kuha ni Pher Pasion, gamit ang PanoramaPlus. (Iklik ang larawan para makita ang malaking larawan)

Muli, ipinagpatuloy ng lumalawak na kilusang kontra pork barrel ang pagpoprotesta nito. Muli, minaliit ito ng Philippine National Police (ang tinatayang aabot sa 10,000 ay sinabing umabot lang ng 2,400). Muli, naintriga ang okasyon ng ilang personalidad na nagpakalat ng tsismis (na aktibong mananawagan ng pagbitiw ni Pangulong Aquino ang mga organisador, at tutungo pa raw ng Mendiola).

Pero nagpakita ng pagkakaisa ang iba’t ibang grupo at sektor. Kaiba sa nakaraang mga pagkilos — sa Luneta, EDSA Shrine at Mendiola — sinikap ng mga organisador na tipunin ang mga empleyado ng maraming opisina sa Makati City, pati na ang ilang nakakaangat-sa-buhay na mga residente ng lungsod at karatig na villages. Muli, binatikos ng pagtitipon ang kurap na sistema ng pork barrel, nanawagan ng pagpapanagot sa lahat ng maysalang korupsiyon, at iginiit ang paggamit sa pondo ng bayan para sa mga serbisyong panlipunan.

Ang kaiba pa sa naturang pagtitipon: Tila naging mas matalas ang paniningil sa administrasyon. Mula sa mga plakard (dinala ng ilang sektor ang pagpapanagot sa mga sangkot sa Disbursement Acceleration Program o DAP ng administrasyong Aquino) hanggang sa mga talumpati at performance (may nagmura; si Juana Change, nagbanta kay Aquino: “Kapag hindi ka nagdulot ng pagbabago, pipitpitin ko ang bayag mo!”).

Nangako ang mga organisador ng Million People March, at mga alyansang kontra pork barrel tulad ng #AbolishPork Barrel Movement at Scrap Pork Network na ipagpapatuloy nila ng mga protesta — lalo na’t papalapit na ang inaasahang pag-apruba ng 2014 pambansang badyet ng Kongreso at Palasyo.

Narito ang mga larawan ng pagkilos sa Makati City noong Oktubre 4, kuha ng Pinoy Weekly staff:

Video ng Buhay Manggagawa sa talumpati ni Bishop Roderick Pabillo sa Million People March sa Ayala Avenue: