Kababaihan

Aquino, inutil sa taas-presyo ng bilihin, dapat patalsikin – Gabriela


Nagmartsa patungong Mendiola sa Maynila ang grupo ng kababaihan para kondenahin ang kainutilan umano ng administrasyong Aquino para pigilan ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng pangunahing mga bilihin gaya ng bigas, langis, delata, gatas, at bawang, at iba pa. Pinakahuli rito ang P4.30 pagtaas ng presyo ng gatas at panibagong dagdag-singil na P.45 kada […]

Panawagan na kontrolin ang presyo ng bilihin at panagutin ang lahat ng sangkot sa pork barrel scam.Pher Pasion
Protesta ng Gabriela sa Mendiola laban sa pagtaas ng mga bilihin at panawagang ma-impeach si Aquino.<strong>Pher Pasion</strong>
Protesta ng Gabriela sa Mendiola laban sa pagtaas ng mga bilihin at panawagang ma-impeach si Aquino.Pher Pasion

Nagmartsa patungong Mendiola sa Maynila ang grupo ng kababaihan para kondenahin ang kainutilan umano ng administrasyong Aquino para pigilan ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng pangunahing mga bilihin gaya ng bigas, langis, delata, gatas, at bawang, at iba pa.

Pinakahuli rito ang P4.30 pagtaas ng presyo ng gatas at panibagong dagdag-singil na P.45 kada litro sa gasoline at P.10 kada litro sa diesel, liban pa sa nauna nang higit P1 pagtaas sa singil sa produktong petrolyo ilang lingo pa lang ang nakakaraan.

Binatikos ng Gabriela ang paggamit ni Aquino sa giyera sa Iraq bilang dahilan ng tuluy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng langis sa bansa. Malaya umanong nakapagtataas ng presyo ng langis ang mga malalaking kumpanya ng langis dahil sa Downstream Oil Industry Deregulation Act ng 1998 na matagal nang ipinapanawagang maibasura, may gera man o wala.

Sampung kainutilan ni Aquino sa pagtaas ng presyon ayon sa Gabriela.<strong>Pher Pasion,</strong>
Sampung kainutilan ni Aquino sa pagtaas ng presyo, ayon sa Gabriela. Pher Pasion,

“Talagang said na said na ang mga Pilipino, lalo na ang mga ilaw ng tahanan na hindi na malaman paano pa pagkakasyahin ang katiting na sahod para sa mga pangangailangan ng buong pamilya,” ayon kay Joms Salvador, pangkalahatang kalihim ng Gabriela.

Ayon kay Salvador, pawang pakitang-tao lamang daw ang ginagawa ngayon ng administrasyong Aquino sa pagtugis sa mga kartel. Mula pa noong nakaraang taon nang lumabas ang iskandalo sa kartel ng bigas, wala pa ring napaparusahan sa mga ito, sabi ni Salvador sa Pinoy Weekly.

Bahagi rdin daw ng “kainutilan” ni Aquino ang hindi pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura para tiyakin ang suplay sa bansa. Kakaasa maging ang ating agrikultura sa suplay ng ibang bansa–tulak na rin ng mga polisiya ng World Trade Organization na dominado ng US.

Kayang kontrolin

Ayon sa Gabriela, matagal na dapat ginamit ni Aquino ang kanyang kapangyarihan pang-ehekutibo para magtakda ng price ceiling sa mga pangunahing bilihin alinsunod sa Section 7 ng Republic Act 7581 o Price Act ng 1992.

“Kung gusto, maraming paraan. Kung ayaw, maraming dahilan. Imbes kasi bigyan ng agarang aksyon para maibsan ang paghihirap ng mamamayan, ang inaatupag ng Pangulo ay pagtataguyod ng interes ng malalaking negosyante at dayuhan,” ayon kay Salvador.

“Ampaw” at hindi din epektibo ang ginagawang “bawang caravan” na ipinagmamalaki ni Agriculture Sec. Proceso Alcala, sabi pa ng lider-kababaihan. Dahil hindi umano nasasaklaw ng kanyang kampanya ang malawak na bilang ng mga mamamayan at pantapal na solusyon lamang.

Panawagan na kontrolin ang presyo ng bilihin at panagutin ang lahat ng sangkot sa pork barrel scam.<strong>Pher Pasion</strong>
Panawagan na kontrolin ang presyo ng bilihin at panagutin ang lahat ng sangkot sa pork barrel scam. Pher Pasion

Nanawagan naman ang Gabriela Women’s Party-list na isauli ng administrasyong Aquino ang bilyung-bilyong piso sa pondo ng Disbursement Acceleration Program (DAP) na indineklarang labag sa Konstitusyon ng Korte Suprema, kamakailan lamang.

“Dapat managot ang mga pinunong sangkot sa pagpapalabas ng DAP. Bilang kinatawan ng kababaihan sa Kamara, handa kami na suportahan ang sambayanan at mga batayang sektor sa kanilang nais na maghain ng impeachment,” ayon Gabriela Rep. Emmi de Jesus.

Kasabay nito, dapat din umanong tuluyang buwagin ang Presidential Social Fund at tanggalin sa kontrol ng ehekutibo ang pondo ng Malampaya. Ginagamit lang umano ang mga ito bilang porma ng presidential pork barrel sa mga proyekto na mahirap ma-audit.

“Kabaliktaran ng pangako (ni Aquino), mas marami ngayong kurap at mas maraming mahirap. Bakit pa natin patatagalin sa puwesto ang Pangulo na di naman nagsisilbi sa mga mamamayan? Panahon na para paalisin siya sa puwesto at singiln sa mga kasalanan niya sa taumbayan,” pagtatapos ni Salvador.