Kababaihan Pambansang Isyu

Pagsuspinde ng pagdinig sa Kamara, ‘pakana ni Aquino, ng US’


Sinugod ng grupo ng kababaihan at mga maralita ang harapan ng Kamara para kondenahin ang pagsuspinde ng pagdinig sa naganap na pagdanak-ng-dugo sa Mamasapano, Maguindanao. Sa araw ng dapat na ikalawang pagdinig dapat sa Kamara, sinuspinde ng House Committee on Peace, Recognition and Unity ang pagdinig para sa nangyari sa  Mamasapano para hintayin na lamang […]

Noynoy Aquino, dapat na umanong magbitiw sa puwesto ayon sa iba't ibang grupo. Pher Pasion
Noynoy Aquino, dapat na umanong magbitiw sa puwesto ayon sa iba't ibang grupo. <strong>Pher Pasion</strong>
Pinagbibitiw si Pangulong Aquino ng iba’t ibang grupo matapos ang madugong operasyon sa Mamasapano. Pher Pasion

Sinugod ng grupo ng kababaihan at mga maralita ang harapan ng Kamara para kondenahin ang pagsuspinde ng pagdinig sa naganap na pagdanak-ng-dugo sa Mamasapano, Maguindanao.

Sa araw ng dapat na ikalawang pagdinig dapat sa Kamara, sinuspinde ng House Committee on Peace, Recognition and Unity ang pagdinig para sa nangyari sa  Mamasapano para hintayin na lamang daw ang resulta ng Board of Inquiry na binuo ng Philippine National Police.

“Ang sabi nila ayaw nilang magkagulo (kaya sinuspinde). ‘Yung ginagawa nilang pagsupil sa katotohanan, tumatakbo ang oras, hindi nagiging malinaw lalong lumalabo ang pananagutan ni Presidente Aquino dito sa nangyari sa Mamasapano, ‘yan ang nagpapagulo ng sitwasyon,” ayon kay Joms Salvador, pangkalahatang-kalihim ng Gabriela.

Ayon sa Gabriela, malaki ang posibilidad na ang Palasyo ang may kamay sa pagsuspinde sa pagdinig sa Kamara para patuloy na pagtakpan ang tunay na papel ni Noynoy Aquino at ng gobyerno ng Estados Unidos (US) sa Mamasapano.

Para naman kay Kabataan Rep. Terry Ridon, maaaring may pakana ang gobyerno ng US sa pagsuspinde ng pagdinig sa Kamara.

“Halata na pinresyur ng Malakanyang ang mga alyado nito sa Kamara para itigil ang imbestigasyon. Gayunman, di lamang si Aquino ang may gawa. Naniniwala kami na ang may pakana nito ay di ang Palasyo kung ang mismong gobyerno ng Amerika. Ang utos na itigil ang imbestigasyon ay nagmula mismo sa White House,” ayon kay Ridon.

Dagdag pa ni Ridon, iniiwasan ng Palasyo na mapokus sa imbestigasyon sa Kamara ang naging papel ni Aquino at ng gobyerno ng US.

Nagtirik muna ng kandila ang grupong Gabriela sa harapan ng Kamara bago magprograma bilang pakikiramay sa lahat ng naging biktima sa Mamasapano. <strong>Pher Pasion<strong>
Nagtirik muna ng kandila ang grupong Gabriela sa harapan ng Kamara bago magprograma bilang pakikiramay sa lahat ng naging biktima sa Mamasapano. Pher Pasion

Ayon naman kay Anakpawis Rep. Fernando Hicap, isa lamang ang pagsuspindeng ito sa maraming paraan ng Palasyo para pagtakpan ang tunay na katotohanan. Si Hicap sana ang unang magtatanong kung natuloy ang ikalawang pagdinig sa Kamara.

Nagtirik naman ng kandila ang mga miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay sa harapan ng estasyon ng pulis sa may south gate ng Kamara para hikayatin ang kapulisan na sumama sa panawagan na magbitiw sa puwesto si Aquino.

Ayon naman kay Diamond Kalaw, isang Moro at lider ng grupong Manininda Laban sa Ebiksyon at Pang-aabuso, sa kabila ng pandarahas sa kanila ng kapulisan at pagwasak sa kanilang kabuhayan, alam nilang sumusunod lang ang mga pulis sa dikta ng mga korap at mga berdugo nilang opisyal.

Dapat makita ng mga pulis na hindi ang tunay na interes ng taumbayan ang kanilang pinagsisilbihan kundi ang interes ng iilan at ng mga dayuhan—kagaya ng naganap na pagdanak-ng-dugo sa Mamasapano, sabi pa ni Kalaw.

“Ang tunay na kalaban ng mga pulis at sundalo ay hindi ang mga Moro sa Mindanao, o maging ang mga Muslim sa mga overpass at bangketa sa Metro Manila. Asa loob mismo ng kanilang mga opisina ang kalaban, kabilang na ang kanilang CommanDeath-in-chief na nasa Malacanang,” dagdag pa niya.