Larawan | Araw ng Bonifacio, okasyon para igiit soberanya ng Pilipinas
Ginunita ng iba’t ibang progresibong grupo sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno ang ika-152 kaarawan ni Andres Bonifacio sa Mendiola sa Maynila bitbit ang temang: “Walang Kaunlaran hangga’t walang tunay na kalayaan.”
Ginunita ng iba’t ibang progresibong grupo sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno ang ika-152 kaarawan ni Andres Bonifacio sa Mendiola sa Maynila bitbit ang temang “Walang Kaunlaran hangga’t walang tunay na kalayaan.”
Ayon sa KMU, hindi pa natatapos ang rebolusyong sinimulan ni Bonifacio dahil sa hindi pa ganap na malaya ang bansang Pilipinas dahil kinokontrol pa rin ng mga dayuhang bansa gaya ng Estados Unidos ang ekonomiya, pulitika, at kultura ng bansa.
Sa katatapos lamang na economic leaders’ meeting ng Asia Pacific Economic Conference o APEC sa Pilipinas nitong Nobyembre 18 at 19, higit na kailangan umano ang paglaban ni Bonifacio para ipagtanggol ang soberanya ng bansa laban sa mga kapitalistang bayan at mga lokal na naghaharing-uri na ipinagbibili ang Pilipinas sa kanilang sariling kapakinabangan.