Tips para sa online class
Narito ang ilang mahalagang mga tips para sa mga online classes sa ilalim ng ‘new normal’
Kakaiba ang pagbubukas ng pasukan ngayong taon dahil sa pandemya. Isa sa mga moda ng instruksyon ang online class para sa mga mag-aaral na may gadget at access sa internet at kung saan, nagkakaroon ng virtual na diskusyon at interaksyon ang mga guro at mag-aaral gamit ang video conferencing softwares. Makakatulong ang ilang tips sa baba upang mapagaan ang online class:
1. Ibadyet ang oras nang maayos.
Maaaring mas maluwag ang online classes dahil nasa bahay lang ang mga estudyante at maluwag ngunit kaakibat nito ang pagkakaroon ng disiplina upang hindi mahirapan sa paggampan ng klase at asignatura. Sa pagtatakda ng iskedyul, isaalang alang ang oras na mas madaling magpokus o mag-aral, maaaring sa umaga pagkagising, hapon o kaya ay gabi pagkatapos kumain. Mainam na alamin ang lalamanin ng kursong aaralin sa buong semester (syllabus) at markahan ang mga importanteng araw sa kalendaryo tulad ng quiz o exam. Makakatulong din ang paggawa ng linguhang iskedyul na naglalaman ng mga gawaing bahay, oras ng klase, at oras para sa pamilya at sarili.
2. Maglaan ng espasyong pag-aaralan sa bahay.
Mapapadali ang pagpokus sa pag-aaral kung may nakalaang puwesto na tahimik at maliwanag. Hindi kinakailangan ng malaking espasyo, maaaring magpwesto ng isang maliit na lamesa at upuan. Pagsama-samahin ang mga kinakailangag gamit sa lugar na ito gaya ng libro, kwaderno, at mga panulat. Nakakagaan din sa paningin at pakiramdam kung magdaragdag ng halaman sa tabi.
3. Iwasan ang mga bagay na makakaabala.
Mag-aral malayo sa TV at lagyan lang ng oras ang pagbukas ng mga social networking sites gaya ng Facebook, Instagram at iba pa.