Husgahan Natin

Talumpati ni Marcos sa Araw ng mga Manggagawa

Unang ipinagdiwang ang labor day sa Pilipinas noong Mayo 1, 1903. Sa pangunguna ng Union Obrera Democratica de Filipinas, ang unang pederasyon ng paggawa sa bansa, mahigit 100,000 manggagawa ang nagmartsa mula Plaza Moriones sa Tondo hanggang MalacaƱang upang ipaglaban ang maayos na pasahod, mabuting kalagayan sa trabaho at ang pambansang kalayaan.

Husgahan natin

Abril 1908, ipinasa ng Philippine Assembly ang batas na nagtakda sa Mayo 1 o Labor Day bilang national holiday. Gaya ng China, Tanzania, South Africa, Tunisia, at iba pang bansa, itinuturing ang May 1 na pambansang kapistahan. Sa Estados Unidos at Canada naman, ipinagdiriwang ang Labor Day tuwing unang Lunes ng Setyembre. 

Pansinin na ang Labor Day ay ipinagdiriwang hindi lamang sa mga parada o iba pang pang selebrasyon kundi pati sa mga demonstrasyon at rally na nagpaparating sa pamahalaan ng mga hinaing ng mga manggagawa.

Sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos, patuloy pa ring ginagawa ito, at katulad ng ibang nagdaang Pangulo, mukhang bingi pa rin si Marcos sa hinaing ng mga manggagawa.

Inamin ni Marcos na tinamaan ng matindi ang ating ekonomiya dahil sa pandemya. Ramdam daw ng lahat ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at pangunahing serbisyo. Naging kumplikado pa ito dahil sa pagtaas ng presyo ng langis na nagpagtaas ng halaga ng transportasyon. Dagdag pa rito ang kawalan ng sapat na proteksyon galing sa mga ahensya ng pamahalaan tulad ng SSS at GSIS.

Noong Abril 30, mahalagang talumpati ang ibinigay ni Marcos kaugnay nang Araw ng mga Manggagawa.

Inamin ni Marcos na tinamaan ng matindi ang ating ekonomiya dahil sa pandemya. Ramdam daw ng lahat ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at pangunahing serbisyo. Naging kumplikado pa ito dahil sa pagtaas ng presyo ng langis na nagpagtaas ng halaga ng transportasyon. Dagdag pa rito ang kawalan ng sapat na proteksyon galing sa mga ahensya ng pamahalaan tulad ng SSS at GSIS.

Batid daw nila ang lahat ng mga problema at ginagawa ang lahat para ito ay malunasan. Unti-unti raw nilang binubuksan ang ating ekonomiya upang magsibalikan ang mga mamumuhunan at dumami ang negosyo. Pinapalakas din daw ang agrikultura at imprastraktura. Nakikipag-ugnayan din daw sila sa ibat-ibang bansa upang matulungan ang ating OFWs.

Bukod na rito, namimigay din ang DOLE ng ayuda na umaabot sa 1 bilyong piso mula sa mga programang pangkabuhayan. Mayroon ding mga job and livelihood fairs para sa mga interesadong maghanapbuhay o magtayo ng negosyo . Mahigit 50,000 na hanapbuhay sa buong bansa ang dala ng job fairs na ito at 12,000 sa mga ito ay sa Metro Manila. Nariyan din daw ang programang Kadiwa na nakapagpababa ng presyo sa bilihin at natulungan ang mga magsasaka, mangingisda, at maliliit na negosyo.

Mataas daw ang kumpiyansa ng mga tao sa administrasyon dahil malaki ang itinaas ng employment rate. Nitong Pebrero 2023, naitala ito sa 92.5%. Ibig sabihin, may dagdag 3.2 milyong Pilipino ang nagkatrabaho sa nakalipas na taon.

Ngunit sa tingin ng mga eksperto, hindi kumpleto ang datos ni Marcos.

Halimbawa ang sa growth rate. Tinatanya ng administrasyon na lalago ng 7% ang ekonomiya ngayong taon. Ngunit ayon sa World Bank, inaasahan nilang 5.4% lamang ito.

Pagdating sa paglikha ng trabaho, tinatantya ng Ibon Foundation na 69.9% o 29.3 milyon sa nalikhang trabaho ay impormal (domestic workers, self-employed, etc.). Ang natitirang 31.1% lamang ang maituturing na may pormal na trabaho.

Ibig sabihin, patuloy na suliranin ng bansa ang paglikha ng sapat at disenteng trabaho para sa mamamayan.

Ayon sa datos, ang paglago ng ekonomiya ay unti-unting bumaba mula 7.1% noong 2016 hanggang 6.9% noong 2017, naging 6.3 % noong 2018, at naging 6.1% noong 2019. Ito ay sa kabila ng malaking ginagastos sa imprastraktura kaugnay ng Build, Build, Build Program noong nakaraang administrasyon.

Marami pa ring pamilya sa ang namimighati sa kahirapan. Noong panahon ng lockdowns ay may mga emergency assistance program ang pamahalaan ngunit unti-unti na itong tinanggal. Noong 2020 ang halaga ng emergency economic assistance ay umabot sa P233.7 bilyon. Bumaba ito sa P9.5 bilyon noong 2022. Ngayong 2023, ito ay P510.5 milyon na lamang. 

Pati ang regular assistance ay tinapyasan din. Noong 2022 ito ay may badyet na P97.4 bilyon. Ngayong 2023, binawasan ito ng P7.5 bilyon. Kahit ang badyet ng 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) ay binawasan ng P5.1 bilyon.

Bukod sa pagbawas sa badyet ng mga mahalagang gastusin ng gobyerno, wala ring tugon si Marcos sa dati nang mga problema ng mga manggagawa tulad ng sahod at labor contracting.

Matagal nang tinututulan ng mga manggagawa ang pagtakda sa minimum wage ng mga Regional Wage Board. Isang unified national wage ang gusto nilang ipalit dito. Ibig sabihin, isang tanggapan na lamang ng gobyerno ang magtatakda ng sahod.

Hindi rin sila kuntento sa minimum wage na ibinibigay ng mga regional wage board. Sa NCR, ang minimum wage na binibigay ay halos kalahati lamang ng halgang kailangan ng isang pamilya upang tugunan ang pangangailangan.

Pagdating sa batas sa labor contracting, tinututulan ito ng mga manggagawa dahil sumisira ito sa kanilang karapatang maging regular sa trabaho.

Idiniin ni Marcos na ang proteksyon para sa manggagawang Pilipino ay mananatiling pangunahing prayoridad ng kanyang administrasyon. Ngunit wala man lang nabanggit sa kanyang talumpati tungkol sa mga bagay na ito. 

Patunay lang ito na walang kaibahan si Marcos sa mga nagdaang administrasyon. Bulag at bingi din ito sa kapakanan ng mga manggagawa.