AFP, PNP, inisnab ang atas na ilabas ang 2 nawawalang aktibista
Nitong Hulyo 14, inatasan ng CA na iharap ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa korte ang dalawang aktibista ngunit hindi dumalo ang parehong ahensiya. Hindi raw natanggap ng PNP ang kopya ng nasabing resolusyon.
Iniutos ng Court of Appeals (CA) sa bisa ang writ of habeas corpus na ilitaw ang mga indigenous people’s rights advocate na sina Dexter Capuyan at Bazoo De Jesus.
Nitong Hulyo 14, inatasan ng CA na iharap ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa korte ang dalawang aktibista ngunit hindi dumalo ang parehong ahensiya. Hindi raw natanggap ng PNP ang kopya ng nasabing resolusyon.
Naghain ng petisyon para sa writ of habeas corpus ang mga kaanak nila Capuyan at De Jesus sa CA laban sa PNP at AFP noong Hulyo 5.
Nagpahayag naman ng pagkadismaya ang Philippine Task Force for Indigenous Peoples’ rights (TFIP) sa hindi pagdalo ng PNP at AFP sa pagdinig.
Ayon sa kanila, taktika ng pulisya at militar ang hindi nila pagdalo upang mapatagal ang proseso ng paglitaw nila Capuyan at De Jesus.
“We are deeply alarmed by these delaying tactics of the police and military obstructing the immediate and safe surfacing of Bazoo and Dexter 77 days after their abduction,” wika ni TFIP campaign and advocacy officer Tyron Beyer.
Iginiit din TFIP na panagutan at sumunod ang dalawang ahensiya sa itinakda ng korte.
Inaasahan sa susunod na buwan ang bagong itinakdang araw para sa pagdinig ng CA.