UPLB February Fair Day 3: Paglaum 2024
Itatampok sa programa ang mga isyung bayan na kinakaharap ng mga manggagawa sa pormal at impormal na sektor, magsasaka, kabataan at malawak na mamamayang Pilipino.
Makiisa at bigkisin ang lakas sa masang anakpawis sa isang gabi ng pagtatanghal na handog ng mga pangmasang organisasyon ng kabataan sa University of the Philippines Los Baños (UPLB) sa Paglaum 2024: Tanghalan ng Pakikidigma sa darating Peb. 15, Huwebes, 7:00 p.m. sa UPLB Freedom Park, Los Baños, Laguna.
Itatampok sa programa ang mga isyung bayan na kinakaharap ng mga manggagawa sa pormal at impormal na sektor, magsasaka, kabataan at malawak na mamamayang Pilipino.
Layunin nitong imulat ang marami sa mga karanasan at ibunyog ang tinig ng masang anakpawis para sa nakabubuhay na sahod, tunay na reporma sa lupa, makatao at makatarungang modernisasyon ng transportasyon, at makabayan, siyentipiko at makamasang edukasyon.
Ang Paglaum 2024 ay hatid ng Anakbayan UPLB, League of Filipino Students UPLB, Panday Sining UPLB at National Network of Agrarian Reform Advocates (NNARA)-Youth UPLB kaisa ang Pinoy Weekly.