Pop Off, Teh!

Pangahas na P-pop


Ang subersiyong ito ay mapangahas na hamon sa dominasyon ng kanluran sa produksiyong kultural.

Salamat naman at hindi na lang sa K-pop nahuhumaling ang maraming Pilipino. Samantalang hindi naman masamang tangkilikin ang K-pop, nagbubukas ng panibagong yugto sa panlasa ng mga Pilipinong tumatangkilik ng kulturang popular ang P-pop o Pinoy Pop.

Sino ba naman ang hindi nahuhumaling sa pang-summer na kanta ng BINI na “Pantropiko”? O kaya’y sa “Gento” ng SB19 na naging popular na sayaw? Popular din sila sa mga streaming platform tulad ng Spotify ang mga grupong P-pop na mayroong milyon-milyong tagapakinig—3.2 milyon para sa BINI, 6.9 milyon kay Zach Tabudlo at 1.3 milyon sa SB19. Idagdag pa natin ang pagiging sold-out ng tickets sa nalalapit na concert ng BINI.

Ang paglakas ng mga grupong P-pop ay patunay ng paglangoy at pag-angkin ng mga grupong ito sa mga espasyong dominante ng mga international na performer tulad nina Ed Sheeran o ni Taylor Swift at ng mga grupong K-pop tulad ng BTS. Kayang-kaya naman palang makipagsabayan ng mga grupong P-pop pagdating sa tugtog, pagsasayaw, pakete at produksiyon.

Tinawag ni Chris Newbould sa kanyang artikulo sa maikling kasaysayan ng P-pop sa Pilipinas na subersiyon ang presensiya at pag-alagwa ng mga grupong P-pop mula pa nang nagsimula itong maging popular noong panahon ng rehimeng Marcos Sr. Ang salitang “Pinoy” na slang ay nagsimulang gamitin noong dekada ’70. Sa panahong ‘yan din naging interesado si Marcos Sr. sa potensiyal ng Pinoy pop na makoop at gamitin sa pampolitikang adyenda niya.

Ang subersiyong ito ay mapangahas na hamon sa dominasyon ng kanluran sa produksiyong kultural. Hindi pa man gano’n kalakas, unti-unti nang nagbubukas ng alternatibo ang mga grupong P-pop upang hindi malunod ang mga tagapakinig sa impluwensiyang dayuhan.

Kaya nga naglabas siya ng kautusuang nagmamandato sa mga estasyon ng radyo na magpatugtog ng ‘di bababa sa tatlong kantang Pilipino upang maisulong ang kulturang Pilipino. Kaya nga sa pagtatapos ng dekada ’70, naging popular at bumenta ang “Anak” ni Freddie Aguilar at naging popular din ang Manila sound tulad ng Hotdog, The Boyfriends at iba pa. 

Ang subersiyong ito ay mapangahas na hamon sa dominasyon ng kanluran sa produksiyong kultural. Hindi pa man gano’n kalakas, unti-unti nang nagbubukas ng alternatibo ang mga grupong P-pop upang hindi malunod ang mga tagapakinig sa impluwensiyang dayuhan. Ipinakita ‘yan ng grupong ALAMAT na inilapit sa mga tagapakinig ang mayamang wika at mga pambansang simbolo natin. 

Hindi na nakakagulat na maraming kabataan (lalo na ang Gen Z) ang nahuhumaling sa P-Pop. Si Bazoo De Jesus ay isa sa mga naging avid fan ng grupong BGYO bago siya sapilitang mawala kasama si Dexter Capuyan. Matapos ang nakagigimbal na pagdukot, naging oportunidad ito upang mahimok ang fandom ng BGYO na suportahan ang panawagan para ilitaw sina Dexter at Bazoo. Malungkot man, naging oportunidad pa rin ito sa fandom upang lumabas sa nakasanayang lugod at aliw na dulot ng pagsuporta sa grupo at makilahok sa isang politikal na panawagan.

Sa kabilang banda, hindi rin naman kataka-taka na magkatunog at magkakapareho ng estilo ang mga grupong ito. Nakahulma pa rin naman kasi sa istandard ng kulturang popular ang P-pop na hinubog ng impluwensiyang kanluran. Ngunit hindi ibig sabihin, ang potensiyal ng P-pop ay tuluyang makokopo. Kung sisikad ang ganitong mga musika, tiyak na mas maraming mahihimok na mga mga kumukonsumo upang kuwestiyonin ang mga umiiral at nakasanayan nang kulturang popular at isulong ang produksiyong kultural na angkop sa panlasa at pandama ng bayan. 

Para kay Bazoo de Jesus