Nagsusumiksik sa sarap na inihaw na pusit


Hindi mo kailangang gumastos ng P125 milyon para magawa ang recipe na ito at siguradong hindi lang isang kaibigan ang mapapakain mo.

Kung nagpaplano ng isang boodle fight, pero hindi ito laban ng kadiliman o kasamaan, kundi laban ng sama-samang kumakain nang masaya at masarap na pagkain. Hindi rin kinakailangan gumastos ng P125 million para makagawa ng recipe na ito at siguradong hindi lang isang kaibigan ang mapapakain mo.

Isa ang inihaw na pusit na hindi mawawala sa menu. Ito’y isang masarap na karagdagan sa anumang barbecue feast kasama ang iyong paboritong inihaw na karne, isda at mga side dish tulad ng atsarang mangga, ensaladang talong at itlog na maalat.

Tandaan lang na para mapanatiling malambot ang pusit, ibabad ito sa suka nang mga 30 minuto hanggang isang oras bago lutuin. Mmaaari ring gumamit ng gatas sa pagpapalambot ng pusit. Sa ganitong paraan, matutulungan na mapadali ang pagpapalambot at mas malasa na luto sa pusit. Patuyuing mabuti para mas madali ito maluto sa grill. Mas mainit ang grill, mas mabilis na magbabrown ang pusit at hindi ito kukunat.

  • 2-3 piraso ng jumbo na pusit
  • 3 pirasong kamatis, pinong hiniwa
  • 2 sibuyas, binalatan at pinong hiniwa
  • asin at paminta sa panlasa
  • ½ tasa ng honey
  • ½ tasa ng brown sugar
  • ½ tasa ng suka o gatas
  • 5-6 pirasong ng bawang, binalatan at tinadtad
  • 1 piraso ng luya, binalatan at tinadtad
  • 2 kutsarita ng asin
  • 3 siling pula, tinadtad
  1. Hawakan ang bahagi ng buntot ng pusit at gamit ang mga daliri, kunin ang cuttlebone (ang manipis, malinaw na kartilago sa loob ) at hilahin mula sa katawan ng pusit.
  2. Alisin ang itim na tinta at itapon. Hugasan ang pusit at patuyuin nang mabuti.
  3. Sa isang mangkok, pagsamahin ang honey, brown sugar, suka, bawang, luya, asin at siling pula. Haluin hanggang matunaw ang asukal at asin.
  4. Maingat na ilagay ang pusit sa isang tray. Takpan at i-marinate sa refrigerator ng mga isang oras. Patuyuin nang mabuti ang pusit. Itabi ang marinade.
  5. Sa isang kaserola, pakuluan ang natirang marinade ng mga pito hanggang 10 minuto o hanggang sa kumapal.
  6. Sa isang mangkok, pagsamahin ang mga kamatis at sibuyas. Timplahan ng asin at paminta ayon sa panlasa.
  7. Hatiin ang halo ng kamatis at sibuyas at ipalaman sa bawat pusit.
  8. Ilagay na ang hinandang pusit sa mainit na grill mga apat hanggang limang minuto bawat gilid, habang regular na pinapahiran ng marinade.

Enjoy sa pagluluto at pagkain!