Team Bahay o Team Labas ngayong Valentine’s?


Marahil gusto ng iba ang simpleng ganap na may chill vibes at mayroon din namang gusto ng kakaibang lakad.

Ano ang plano mo ngayong Valentine’s Day? Tiyak naiisip mo na iyan ngayong paparating na ang Araw ng mga Puso.

Iba-iba tayo ng mga paraan kung paano natin gusto ipagdiwang ang Araw ng mga Puso. Marahil gusto ng iba ang simpleng ganap na may chill vibes at mayroon din namang gusto ng kakaibang lakad.

Ang tanong, sa kabila ng samu’t saring pakulo at dagsa ng mga tao sa Peb. 14, Team Bahay o Team Labas ka ba?

Bilang Team Bahay, madaling sabihin ang “dito na lang” pagdating sa tanong na “saan tayo sa Valentine’s?”

Kaya naman narito ang ilang date ideas upang hindi na lumayo at maging pahinga ang bawat isa.

  1. Subukan ang indoor picnic. Maaaring maglatag sa isang malawak na bahagi sa loob ng bahay. Pagkatapos ay maghanda ng pagkain.
  2. Panoorin ang paboritong pelikula at pag-usapan ang mga opinyon niyo hinggil dito. Maganda ito upang pareho kayo na magkaroon ng makabuluhang talakayan.
  3. Sabay na lumikha ng sining (maaaring sa anyo ng pagpinta or paghulma ng clay) at ibigay ang natapos ng produkto sa isa’t isa. Subukan ito kung gustong magbigay at makatanggap ng makabuluhang regalo.

Nais mo bang palundagin ang damdamin niya sa pagdiriwang ng Valentine’s Day sa labas? 

Kung Team Labas kayo ng iyong sinisinta, huwag palampasin ang pagkakataon na gumawa ng mga bagong alaala gamit ang mga ideyang ito.

  1. Dumalo sa concert ng inyong paboritong lokal na singer o banda. Maraming libre na mga concert sa mismong araw ng Valentine’s. 
  2. Kung pareho kayong mahilig sa thrill, magandang pumunta sa amusement park.
  3. Subukan mag-hiking or nature walk bilang isang anyo ng pag-ehersisyo.

Kahit ano mang paraan gustong ipagdiwang ang Araw ng mga Puso, mahalaga pa rin ang aktibong ugnayan at buong atensiyon kapag magkasama. Tandaan na pagkakataon din ito upang patibayin ang pundasyon ng pag-iibigan.