403 lugar, tinukoy na ‘election hotspot’ ng Comelec
Isang malaking hamon ang pagtutok ng Commission on Elections sa mga itinuturing na “areas of concern” o “election hotspots”—mga lugar na may mataas na banta sa seguridad ng mga botante’t kandidato.
Isang malaking hamon ang pagtutok ng Commission on Elections (Comelec) sa mga itinuturing na “areas of concern” o “election hotspots”—mga lugar na may mataas na banta sa seguridad ng mga botante’t kandidato.
Mula sa pagsisiyasat ng Comelec, lumalabas na 403 ang kabuuang bilang ng mga lugar sa Pilipinas na may kaukulang banta sa seguridad.
Kapag nasa green na kategorya, walang naitalang banta sa seguridad at masasabing mapayapa ang pagpapadaloy sa halalan.
Kapag yellow naman, tulad ng 188 na lugar sa bansa, ibig sabihi’y may pinaghinalaang mga insidente ng girian sa nagdaang dalawang halalan.
Mayroong 177 na lugar ang nasa orange na kategorya o may seryosong banta sa seguridad mula sa mga armadong grupo, kasama ang mga bayan ng Alcala, Baggao at Gattaran sa lalawigan ng Cagayan.
Habang nasa 38 ang nasa red na kategorya o mga lugar na mayroong aktibong banta ng armadong karahasan.
Narito ang listahan mula sa gobyerno:
Mga lugar sa ‘red category’ (matinding panganib)
Mga lugar na may seryosong banta ng karahasan at may mga insidente ng kaguluhan sa tuwing may halalan:
- Isabela: Jones, Maconacon
- Masbate: Baleno, Masbate City
- Iloilo: Calinog
- Samar: Santa Margarita
- Basilan: Al Barka, Hadji Mohammad Ajul
- Lanao del Sur: Maguing, Marawi City, Tubaran, Tugaya, Bacolod-Kalawi, Balindong, Watu, Bayang, Binidayan, Buadiposo-Buntong, Marantao, Marogong, Pualas, Saguiaran
- Maguindanao del Norte: Cotabato City, Datu Odin Sinsuat
- Maguindanao del Sur: Paglat, Rajah Buayan, South Upi, Sultan Barongis, Lambayong, Ampatuan, Datu Piang, Datu Salibo, Datu Saudi Ampatuan, Mamasapano, Shariff Saydona Mustapha, Buluan, Datu Paglas, Mangudadatu
- Tawi-Tawi: Pandag
Mga lugar sa ‘orange category’ (seryosong banta)
- Cagayan: Alcala, Baggao, Gattaran
- Bicol: 48 na lugar
- BARMM: 22 na lugar
- Caraga: 17 na lugar
- Central Visayas: 16 na lugar
- Cagayan Valley: 15 na lugar
- Eastern Visayas: 13 na lugar
- Mimaropa: 12 na lugar
- Soccsksargen: 11 na lugar
- Western Visayas: 9 na lugar
- Northern Mindanao: 8 na lugar
- Zamboanga Peninsula: 3 na lugar
- Central Luzon: 1 lugar
- Calabarzon: 1 lugar
- Cordillera Administrative Region (CAR): 1 lugar
Mga lugar sa ‘yellow category’ (kasaysayan ng insidenteng may kaugnay sa halalan)
- Basilan: 2 lugar
- Lanao del Sur: 14 na lugar
- Maguindanao del Norte: 2 lugar
- Maguindanao del Sur: 13 na lugar
Ayon sa isang pahayag ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, mas kaunti ang bilang ng posibleng election hotspot kumpara noong 2022 presidential elections.
Ganoon pa man, talamak pa rin ang red-tagging, pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso at mga maling impormasyon laban sa oposisyon tulad ng Makabayan Coalition.
Nito lang Peb. 13 nang iulat ng Makabayan Coalition sa Gitnang Luzon ang mga poster na naglalaman ng mga salitang “terorista” at “kamatayan bloc” sa Tarlac City, Tarlac at Angeles City, Pampanga.
Kasabay nito ang red-tagging ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict kay Rep. Raoul Manuel ng Kabataan Partylist at kay Hayme Alegre na ika-8 nominado ng grupo.
Kabilang sa na-red-tag ang Bayan Muna Partylist at Health Workers Partylistang sa Cagayan de Oro City.
Para sa iba’t ibang progresibong grupo, kailangan ng agarang tugon ng Comelec para maseguro ang makatarungan at tapat na halalan para sa lahat ng mamamayan.