2025 sa lente ng Pinoy
Hindi lang mga numero at ulat ang sumasalamin sa kalagayan ng bansa, kundi ang mga mukha ng mga manggagawa, magsasaka, kabataan at maralita na patuloy na lumalaban para mabuhay.
Nalantad sa taong ito ang korupsiyon at katiwalian nina Ferdinand Marcos Jr., Sara Duterte at marami pang opisyal at kasabwat nila na nagpapalubha sa paghihirap ang sambayanang Pilipino.
Sa gitna ng nagtataasan na bilihin, krisis sa kabuhayan at mga suliraning panlipunan na hinarap ng mga mamamayan sa nagdaang taon, muling inihahandog ng Pinoy Weekly ang mga larawan na naging pananda sa mga pangyayari sa bansa.
Bilang panahon ng pagtigil, pagtanaw at muling pagtatanong, para kanino ang sakripisyo, at kanino ang pananagutan?
Ang mga larawan na nagpapahayag ng Pinoy Weekly ay nagsisilbing tunay na makasaysayan ang mga pangyayari sa taong ito.
Hindi lang mga numero at ulat ang sumasalamin sa kalagayan ng bansa, kundi ang mga mukha ng mga manggagawa, magsasaka, kabataan at maralita na patuloy na lumalaban para mabuhay.
Ang kanilang mga kuwento na bumubuo sa mas malalim na konteksto ng krisis ay mga kuwentong madalas binubura o binabalewala ng mga nasa kapangyarihan.Ang bawat kuha ng Pinoy Weekly at ng mga ibang kasamahan ay nagsisilbing ebidensiya laban sa pagtatakip at pagbaluktot ng katotohanan.
Sa panahong laganap ang disimpormasyon at historikal na rebisyonismo, ang mga larawang ito’y naging sandigan ng alaala, tahimik ngunit matibay na saksi sa tunay na kalagayan ng bansa.


















