2 lider-unyon ng Nexperia, balik-trabaho na


Ayon sa Center for Trade Union and Human Rights, mahalagang hakbang ang pagbabalik sa dalawang lider-unyon sa pagtataguyod ng karapatan ng mga manggagawa at malayang pag-oorganisa ng unyon.

Naibalik na sa trabaho ang dalawang lider-unyon ng Nexperia Philippines Inc. matapos silang tanggalin noong Dis. 2024 kaugnay ng sigalot sa negosasyon para sa collective bargaining agreement (CBA).

Noong Mar. 9, opisyal nang ibinalik sa trabaho sina Antonio Fajardo, bise presidente ng Nexperia Philippines Inc. Workers Union, at Marvel Marquez,  shop steward  ng unyon. 

Tinanggal sila matapos pangunahan ang isang protesta na sinabing humarang sa paglabas at pagpasok ng mga produkto sa planta. Ayon sa unyon, naudyok ang protesta dahil sa pagtanggi ng manedsment na makipagnegosasyon nang maayos para sa bagong CBA.

Sa desisyon noong Ago. 18, 2025, sinabi ng Labor Secretart Bienvenido Laguesma na ilegal ang kanilang pagkakatanggal at iniutos ang kanilang reinstatement. 

Ayon sa Center for Trade Union and Human Rights, mahalagang hakbang ang pagbabalik sa dalawang lider-unyon sa pagtataguyod ng karapatan ng mga manggagawa at malayang pag-oorganisa ng unyon.

Nakapasiklab ng 74 oras na welga ang mga manggagawa ng Nexperia noong Marso 2025 upang igiit ang pagbabalik sa mga lider-unyon at itulak ang usapin sa CBA.