Isandaang araw, walang pagbabago


Pagsusuri sa iba’t ibang aspekto ng unang 100 araw ng panunungkulan ni Pang. Benigno Simeon “Noynoy” Cojuangco Aquino III.

Panunungkulan ni Pangulong Aquino: Wala pa ring makabuluhang binabago sa kasalukuyang kaayusan at kalagayan ng bansa. (PW File Photo / Boy Bagwis)
Panunungkulan ni Pangulong Aquino: Wala pa ring makabuluhang binabago sa kasalukuyang kaayusan at kalagayan ng bansa. (PW File Photo / Boy Bagwis)

Isandaang araw na ang administrasyon ni Benigno Simeon Cojuangco Aquino III.

Hinusgahan ang nakaraang mga administrasyon matapos ang bilang na ito. At isa lamang ang husga: Walang pagbabago. Legacy ng bawat administrasyon ang kainutilan nitong masugpo ang batayang mga suliranin ng lipunang Pilipino, partikular ang kawalan ng tunay na reporma sa lupa, ang atrasadong mga industriya, at ang pagsasamantala ng iilang makapangyarihan at nasa poder sa malawak na bilang ng mga mamamayan.

Kaya ano kamo ang iskor ni Pangulong Aquino? Ano na ang nagawa niya matapos mangakong susugpuin ang kahirapan sa pamamagitan ng pagsugpo sa korupsiyon? Napasimulan na ba ang “tuwid na daan” tungo sa pagbabago ng lipunang Pilipino?

Sa pagsusuri ng Pinoy, lumalabas na marami namang nagawa si Aquino. Ngunit ang mga nagawa niya’y pawang pagpapatuloy ng nagdaang mga polisiya sa ekonomiya at pulitika. Sa kanyang unang state visit, lalong pinahigpit ni Aquino ang di-pantay at mapang-abusong na relasyon ng US sa Pilipinas. Nanahimik siya sa mga isyu ng repormang agraryo, karapatang pantao, dagdag-sahod, usapang pangkapayapaan. Muling sumulpot ang mga alegasyong may ugnay sa maanomalyang mga transaksiyon ang mga opisyal ng kanyang gobyerno.

Kung mayroon mang matututunan sa unang isandaang araw ni Aquino, ito ay ang katotohanang hindi sa pamamagitan ng pagluluklok ng isang walang-karanasan at walang-paninindigang pulitiko (na may matunog na pangalan) mapasisimulan ang tunay na pagbabago sa bansa.

Serbisyong sosyal: Tapyas dito, tapyas doon

Ekonomiya: Kaunlaran, para sa iilan at dayuhan

Korupsiyong namana, kapalpakang dumarami

Ilusyon sa ugnayang panlabas

Paggawa: Sahod, trabaho’t karapatan, ipinagkakait pa rin

Karapatang pantao: Pasismo pa rin

Mailap na kapayapaan