Video: Mga isyung panlipunan at ‘bagsak’ na grado ni P-Noy
Nakabatay ang ‘bagsak’ na gradong ibingay nila sa pangulo sa mahahalagang isyung panlipunan: repormang agraryo, trabaho at nakabubuhay na sahod, batayang serbisyong panlipunan, pagrespeto sa karapatang pantao, atbp.
Noong Oktubre 8, daan-daang katao na kumakatawan sa batayang mga sektor ng lipunan–magsasaka, manggagawa, estudyante, kababaihan, maralitang lungsod, atbp.–ang nagpahayag na “bagsak” ang kanilang grado kay Pang. Benigno Aquino III, sa kanyang ika-isandaang araw sa puwesto.
Nakabatay ito sa tindig ni Aquino sa mahahalagang isyung panlipunan gaya ng repormang agraryo (kabilang ang pamamahagi ng lupa sa sariling Hacienda Luisita), trabaho at nakabubuhay na sahod, batayang serbisyong panlipunan, at pagrespeto sa karapatang pantao.
Panoorin ang talumpati ni Elmer “Bong” Labog, tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno, hinggil sa masahol na pagtrato ng gobyernong Aquino sa mga manggagawang Pilipino:
Inisa-isa naman ni Charisse Bañez, tagapagsalita ng Anakbayan, ang mga sektoral na laban na nagsisilbing inspirasyon sa mga kabataan at umano’y dapat gawing mga pambansang usapin sa ilalim ng gobyernong Aquino. Tinalakay din niya ang pagpapatuloy ng mga paglabag sa karapatang pantao, at ang tunay na “tuwid na daan” na dapat tahakin ng mga mamamayang nais ng pagbabago:
Panoorin ang pagbibigay ng “bagsak” na grado kay Aquino ng kinatawan ng iba’t ibang mga sektor, batay sa 10 isyung panlipunan: