Larawan: Pagtaas sa singil sa tubig, kinondena ng mga maralita
Nagsagawa ng die-in protest ang mga maralitang tagalungsod na miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) sa harap ng tanggapan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) para ihayag ang pagtutol sa pagtaas ng singil sa tubig. Iniuugat nila sa pagsasapribado ng serbisyo ng tubig ang walang habas na pagtaas ng singil sa mga serbisyong publiko tulad ng tubig at kuryente. (Macky Macaspac)
