Video: Lupa at hustisya para sa manggagawang bukid ng Luisita, hiniling

Maikling bidyo ng isinagawang interfaith rally ng mga grupong pangsimbahan at militanteng mga organisasyon para ipanawagan ang libreng pamamahagi ng lupa ng Hacienda Luisita sa Tarlac sa mga manggagawang bukid na legal na may-ari ng lupain ng asyenda.

Sinabi ni Lito Bais, tumatayong pangulo ng United Luisita Workers’ Union (ULWU), na sinikap nilang kunin ang suporta ng mga obispong Katoliko at taong-simbahan para sa kanilang laban. Hinihiling umano nila kay Pangulong Aquino na tugunan ang kanilang makatarungang hiling para sa lupa.

Ayon din kay Bais, kasalukuyang muling binubungkal ng mga residente ng asyenda ang nakatiwangwang na mga lupain ng Luisita para mapagtamnan at makatugon sa kanilang mga pangangailangan. Bagamat hinaharas at pinipigilan ng mga militar at guwardiya, pilit umano nilang iginigiit ang karapatang magbungkal. (Basahin dito ang artikulo hinggil sa bungkalan)

Nagbigay-suporta rin ang militanteng mga organisasyon tulad ng Kilusang Mayo Uno, Gabriela, Anakbayan, at iba pang grupo sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan). Nanawagan silang suportahan ng publiko ang laban ng mga manggagawang bukid para sa tunay na reporma sa lupa, at ipresyur si Aquino para tugunan ito, lalupa’t magaganap na ang kanyang State of the Nation Address o SONA sa Lunes, Hulyo 25.