Bogus na kasunduan. Hawak ni Atty. Jobert Pahilga ng Sentro ng Tunay na Repormang Agraryo ang kopya ng agreement na pinapapirma sa mga manggagawang bukid ng management ng HLI. Sa kaliwa, sina Felix Nacpil ng Alyansa ng Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita (Ambala) at Lito Bais ng United Luisita Workers' Union (ULWU). Nanawagan ang dalawang lider-magsasaka ng isang National Day of Outrage kontra sa compromise agreement sa Agosto 18. (Macky Macaspac)Ayon kay Lito Bais, tagapangulo ng ULWU. "Huwag maghugas kamay si Pangulong Aquino dahil ang usapin ng asyenda Luisita ay isang pambansang usapin, hindi lang Luisita ang asyenda sa Pilipinas. marami pang asyenda ang merong mga problema. Hindi niya maaaring iwasan ang mga ito." (Macky Macaspac)