Kaanak ng Morong 43, nangangamba sa desisyon ni P-Noy


Sa ika-walong buwan ng pagkakaaresto sa Morong 43, sinabi ni Sek. Leila de Lima ng Department of Justice (DOJ) na tapos na ang kanyang rekomendasyon hinggil sa kaso, at kagyat niya itong ipapadala kay Pang. Benigno Aquino III para madesisyunan. Inihayag ito ni de Lima sa mga kaanak at tagasuporta ng detenidong mga doktor at health […]

May hustisya ba sa ika-isandaang araw ng administrasyong Aquino? Ito ang katanungan ng mga kaanak ng Morong 43 na nagpiket sa harapan ng Department of Justice sa ika-walong buwan ng iligal na pag-aresto sa mga ito. (Macky Macaspac)
May hustisya ba sa ika-isandaang araw ng administrasyong Aquino? Ito ang katanungan ng mga kaanak ng Morong 43 na nagpiket sa harapan ng Department of Justice sa ika-walong buwan ng ilegal na pag-aresto sa mga ito. (Macky Macaspac)

Sa ika-walong buwan ng pagkakaaresto sa Morong 43, sinabi ni Sek. Leila de Lima ng Department of Justice (DOJ) na tapos na ang kanyang rekomendasyon hinggil sa kaso, at kagyat niya itong ipapadala kay Pang. Benigno Aquino III para madesisyunan.

Inihayag ito ni de Lima sa mga kaanak at tagasuporta ng detenidong mga doktor at health worker, na nagtungo kaninang umaga sa harapan ng DOJ upang igiit ang kagyat na pagpapalaya sa mga ito.

DOJ Sek. Leila de Lima: Isusumite na kay Pangulong Aquino ang rekomendasyon niya hinggil sa kaso ng Morong 43. (Macky Macaspac)
DOJ Sek. Leila de Lima: Isusumite na kay Pangulong Aquino ang rekomendasyon niya hinggil sa kaso ng Morong 43. (Macky Macaspac)

Ngunit tumanggi si de Lima na ilabas ang anumang bahagi ng kanyang rekomendasyon. “I have no authority at this point, to disclose my recommendations,” paglilinaw niya sa tanong ng midya.

Idinagdag pa niyang ang pagrebyu niya sa kaso bilang kalihim ng DOJ ay nakabatay sa merito ng kasong isinampa ng militar at Philippine National Police sa Morong Regional Trial Court.

Bagaman ikinatuwa ng mga kaanak at tagasuporta ng Morong 43 ang mabilis na pag-aksiyon ni de Lima, nangangamba pa rin sila sa maaaring maging desisyon ni Pangulong Aquino.

“Kung patutunayan ng pangulo sa mga mamamayan na ang kanyang administrasyon ay balwarte ng demokrasya at pagbabago, ngayon ang tamang panahon. Palayain niya ang 43 manggagawang pangkalusugan!” pahayag ni Carlos Montemayor, tagapagsalita ng Free the 43 Health Workers Alliance.

Dagsa pa rin ang suporta sa Morong 43 mula sa kanilang mga kapwa community health worker. (Macky Macaspac)
Dagsa pa rin ang suporta sa Morong 43 mula sa kanilang mga kapwa community health worker. (Macky Macaspac)