Avatar

Boy Villasanta

Sapat na bang mag-relief operations ang mga artista?

Wari’y hindi matapus-tapos ang pamimigay at pagtulong ng mga taga-showbiz samga biktima ni bagyong Ondoy at maging ng lumihis na sama ng panahon na si Pepeng. Hindi lang ang ABS-CBN at GMA Network ang may mga relief fund drive. Maging ang NBN Channel 4, ang IBC Channel 13, ang RPN Channel 9, ang TV 5 […]

Showbiz, hindi lang binabaha ng luha, binabaha rin ng tubig

Nitong mga nakaraang araw ay maraming trahedya sa showbiz hindi lang kamatayan kundi madudula ring tagpo na parang hinalaw sa mga drama sa pelikula at telebisyon. Binawian ng buhay ang isa sa mga luma kundi man makalumang lider ng industriya na si Atty. Espiridion Laxa. Namatay din ang tiyo ni Victor Laurel na si Sotero […]

Sa CCP tribute kay Imelda R. Marcos…

“Binibigyan na pala ngayon ng tribute ang mga magnanakaw!” -Filipino director Jowee Morel Muntik masuka si Jowee Morel, ang kontrobersiyal na Filipino filmmaker na lumikha ng mga obrang “Mga Paru-Parong Rosas,” “Moma,” “Ec2Luv,” “Mona,  Singapore Escort,” “When A Gay Man Loves,” “Latak,” “HiStory” at “Strictly Confidential, nang masabi ko sa kanya na nasa may tarangkahan […]

Imelda Marcos, bibigyan ng tribute ng CCP

Hala nang hala. Bigyan nang bigyan ng parangal ang kung sinu-sino. Pati nga ang Cultural Center of the Philippines ay babahaginan kundi man kumpletong pararangalan ang asawa ng diktador at nagpahirap sa bayan na si Imelda Romualdez Marcos. E, ano ngayon? E, di hatagan ng kung anuman—tropeyo, plake, sertipikasyon atbp.—si Imelda. Paki ko at may […]

Ang paglilibing sa National Artist Awards

MADAMDAMIN ang pagluluksa ng mga nagmamalasakit sa katapatan at kabusilakan ng National Artist Awards na kada tatlong taong iginagawad ng gobyerno para sa mga natatanging alagad ng sining sa iba’t ibang larangan. Ngayon ay tinatawag nang Order of National Artists ang timpalak na ito na siyang pinakamataas at pinakamatayog na gantimpalang makakamtan ng isang artista […]