Ang pinagkaiba ni Liza
Para sa babae, at para sa masa. Ito umano ang dahilan kung bakit dapat iluklok sa Senado si Liza Maza, matapos ang siyam na taong paninilbihan bilang kinatawan ng progresibong party-list na Gabriela.
Para sa babae, at para sa masa. Ito umano ang dahilan kung bakit dapat iluklok sa Senado si Liza Maza, matapos ang siyam na taong paninilbihan bilang kinatawan ng progresibong party-list na Gabriela.
Lumabas sa Fact-Finding Mission ng mga mamamahayag ang ilang mahahalagang detalye na nagdidiin sa papel ng militar at pulisya sa masaker, gayundin ang mga kamalian sa imbestigasyon at nakakatakot na implikasyon ng state of emergency sa Maguindanao.
Itinanghal noong Araw ni Bonifacio ang isang dula na hango sa buhay ng lider-rebolusyonaryong si Jose Ma. Sison.
Idagdag natin ang 57 sa bilang ng mga minasaker sa ilalim ng pangungunkulan ni Gloria Macapagal-Arroyo: aabot sa 312 ito. Lahat sila, walang kalaban-laban, pinaslang dahil kritiko sila ng kasalukuyang rehimen at kaayusan, o sagabal sila sa mga plano ng makakapangyarihan. O gusto tayong takutin ng rehimen at di na lumaban.
Hindi nila ikukumpromiso ang hangarin para sa katarungan sa mga biktima ng batas militar ni Marcos kapalit ng puwesto sa slate ni Sen. Manny Villar. Ngayon, idineklara nang independiyenteng tatakbo sa pagkasenador sina Rep. Satur Ocampo at Rep. Liza Maza. Determinado silang magwagi, at itulak ang bagong pulitika sa bansa.
Tinawag ng grupo ng mamamahayag na National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang masaker sa Maguindanao ang “pinakamalaking iisang insidente ng pagpatay sa mga mamamahayag” sa kasaysayan ng bansa. Inihayag na rin ng Reporters Without Borders, internasyunal na grupo ng mga mamamahayag, na pinakamalala ang masaker sa kasaysayan ng karahasan laban sa mga […]
Hindi lamang nasa Pilipinas si US State Secretary Hillary Clinton para sa isang humanitarian visit, kundi para siguruhin ang pangmilitar at pang-ekonomiyang interes ng Estados Unidos sa bansa. Umano'y napapansin na din ng US ang pagtutol sa kanilang mga imposisyon.
Kung gugustuhin nito, kaya naman pala ng gobyerno na kontrolin ang presyo ng langis. Pero dahil layunin lamang ng EO 839 na magpapogi sa publiko, nagkakandarapa na ito sa pagsabing kulang na ang suplay ng langis – para muling amuin ang nagmamaktol nang mga kompanya ng langis.
Kalunus-lunos ang kondisyon ng 89 Pinay caregiver sa Riyadh, Saudi Arabia na tumigil sa paggawa at ngayo’y humihiling na agad ibalik sa Pilipinas matapos ang “di makataong pagtrato” ng kanilang employer, ang Annasban Group of Companies. Pero sa kabila nito, patuloy ang pakikipagsabwatan ng POEA at Philippine Overseas Labor Office sa abusadong kompanya.
Sa ika-25 anibersaryo ng Gabriela, nagbalik-tanaw ang mga miyembro at lider nito sa kasaysayan ng organisasyon -- kung bakit naging kadikit ng pangalang Gabriela ang imahen ng palabang babae sa kasaysayan. Samantala, pinarangalan ng grupo ang 25 babaing humawan ng landas ng pakikibaka para sa karapatan at interes ng kababaihan at sambayanan.