Pinoy Weekly Staff

Pagpaslang kina Greg Bañares ng NDF-Bicol, 7 iba pa, labag sa International Humanitarian Law?

Napaslang sa isang operasyong militar ng 31st Infantry Battalion ng Philippine Army ang tagapagsalita ng rebolusyonaryong National Democratic Front-Bicol (NDF-Bicol) na si Ka Greg Bañares, at pitong kasamahang gerilya noong Hulyo 4, Huwebes, sa Brgy. Calomayon, Juban, Sorsogon. Inihayag ni Samuel Guerrero, tagapagsalita ng Celso Minguez Command ng New People’s Army (NPA) sa Sorsogon, na […]

Tabing-estero, maaaring gawing ‘ligtas at maayos’ na tirahan

Maaaring gawing “ligtas at maayos” na tirahan ng maralita ang mga tabing-estero kung isasailalim ito sa rehabilitasyon, ayon kay Gabriela Rep. Emmi de Jesus. Pinuna ng kongresista ang plano ng gobyernong Aquino na magbigay ng P18,000 kada pamilya para lumikas mula sa mga tabing-estero, na tinaguriang mga “danger zone” at itinuturing ng gobyerno na isa […]

Batang nasaktan sa demolisyon sa Valenzuela, kritikal

Kritikal ngayon ang lagay ng bata na puwersahang kinuha ng mga istap ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong dinedemolis ang kanilang mga bahay sa Brgy. Bignay, Valenzuela City noon pang Mayo 31. Tinakbo sa Philippine Orthopedic Center (POC) noong Hunyo 3 ang dalawang-taong gulang na si Maybeline Fronda. Ayon sa kanyang ina […]

‘Tambalang Glencore, Xstrata mapanganib sa sambayanan’

Naalarma ang rebolusyonaryong kilusan sa Far South Mindanao sa paglahok ng Glencore, isang Anglo-Swiss na kompanyang multinasyunal, sa proyektong gold-copper sa Tampakan, South Cotabato. Inihayag ni Ka Efren, tagapagsalita ng National Democratic Front – Far South Mindanao Region (NDF-FSMR), na nalalagay sa panganib ang mga mamamayan ng Bong Mal at buong sambayanan sa pagsasanib ng […]

Sa K-12, OFWs lalong dadami

Binatikos ng Migrante International ang administrasyong Aquino sa magkakasalungat nitong mga pahayag hinggil sa paglikha raw ng trabaho sa Pilipinas at pag-eksport ng lakas-paggawa sa ibang bansa. Sinabi ni Garry Martinez, tagapangulo ng Migrante, na pinabubulaanan ng pagpapatupad ni Aquino ng programang K-12 sa edukasyon ang sariling pahayag nito na dumarami ang trabaho sa bansa. […]

Malungkot na balita ngayong pasukan

Pasukan na naman. Tapos na ang bakasyon, pati ang eleksiyon. Balik-eskuwela ang mga bata. Balik-pasakit sa mga nakatatanda. Aabot sa 24 milyong kabataan ang pumasok sa mga paaralan ngayong pasukan. Ang mga inulat sa midya: ang paghahanda ng mga bata, magulang at mga eskuwela para sa pagbubukas ng bagong akademikong taon. Pero ang kulang sa […]

PW espesyal na isyu hinggil sa dayaan sa halalan

Inilabas ng Pinoy Weekly noong nakaraang linggo ang espesyal na print issue hinggil sa dayaan sa eleksiyong 2013. Sa pamamagitan ng independiyenteng mga ulat ng PW, gayundin ng mga ulat at pagsusuri ng poll watchdogs, ipinapaliwanag sa isyung ito ang batayan ng mga akusasyon ng pandaraya. Pinakahuling naghayag ng paninindigang may naganap na pandaraya noong nakaraang […]

Wala naman talagang maaasahan

Isang eleksiyon na naman ang nagdaan. Balik sa dating gawi ang mga nasa kapangyarihan. Hindi kaiba sa nakaraang mga eleksiyon ang ehersisyong pulitikal na isinagawa ng bansa noong Mayo 13. Itinambol ng masmidya ang pangangailangang bumoto, at iparinig daw ang boses ng masa sa pamamagitan ng balota. Pero natapos na ang halalan, ipinroklama na ang […]

Suspension of party-list count slammed

Progressive party-lists slammed the Commission on Election’s (Comelec) indefinite suspension of the canvass of votes for party-lists, calling it “unnecessary,” “suspicious,” and casting only further doubt on the credibility of the elections. Comelec Chairman Sixto Brillantes ordered the party-list canvass suspended on the first day of the national canvass until further notice, saying that several […]

Kredibilidad ng eleksiyong 2013, kuwestiyonable?

Sira-sirang PCOS machines. Mahahabang pila. Nawawalang pangalan sa opisyal na listahan ng botante. Nawawalang signal. Mali-maling quick counts. Ito ang naging eksena ng eleksiyon kahapon, Mayo 13. Hindi pa kasama rito ang mga insidente ng pandarahas, panggigipit, at iba pang iregularidad, mula sa botohan hanggang sa pagsasara ng botohan, pagpapadala ng resulta ng boto sa […]