Pinoy Weekly Staff

Video: Sentimyento ng kaanak ng biktima ng masaker sa Ampatuan

Noong Enero 23, sinamahan ng National Interfaith Mission for Peace and Justice in Maguindanao ang mga kaanak ng mga biktima ng masaker sa Ampatuan, sa mismong lugar na pinangyarihan ng krimen. Nagbuhos ng galit si Myrna Reblando, asawa ng isa sa pinaslang na mga mamamahayag na si Alejandro “Bong” Reblando. Panoorin ang bidyo: Tingnan ang […]

Natatanging Progresibo ng 2009

Tumampok sila noong taong 2009: Mga indibidwal, grupo, kilos-protesta, batas, o produktong pangkultura, na mga lumahok at nag-ambag ng natatanging kontribusyon sa iba't ibang larangan sa pagsusulong ng progresibong pagbabago.

Makasaysayang 10-araw na pambansang karaban ng magsasaka, ikinasa

Tumulak ngayong araw mula sa mga lungsod ng Davao at Cagayan De Oro ang “makasaysayang” 10-araw na pambansang karaban ng mga magsasaka. Pinamagatang “Lakbayan ng Anakpawis para sa Lupa at Katarungan,” pinangunahan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at Anakpawis Party-list ang pagkilos ng tinatayang halos 3,000 magsasaka na magmumula sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Sa […]

88 caregivers sa Riyadh, nag-hunger strike

Nagpahayag ng suporta ang Migrante International sa 88 Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagsagawa ng hunger strike sa Riyadh, Saudi Arabia, matapos umanong mabigo ang gobyerno ng Pilipinas na dinggin ang kanilang panawagan na makauwi sa bansa. Biktima ang 88 OFW ng contract substitution at di-makatarungang patakaran sa paggawa ng Annasban Group of Companies. Tumigil […]

10 mahahalagang istorya ng 2009 na pinalampas ng midya

Tinipon ng Pinoy Weekly ang mga istorya noong 2009 na tinataguriang “underreported” o hindi nabigyan ng midya ng sapat na espasyo sa kanilang mga ulat bilang isyu at kaganapang dapat alam ng publiko.

Pag-asang dala ng di-mapuksang paglaban

Sa Mindanao -- gayundin sa ibang bahagi ng bansa -- tila lumalakas ang impluwensiya ng isa pang "gobyerno". Sa kabila ng mga planong pagdurog dito, nagdeklara pa ang mga rebeldeng NPA na pinaplano na nilang matapatan ang lakas ng Estado sa loob ng limang taon.