
Matalas na reyalidad sa magalaw na bidyo
April 9, 2012
Rebyu ng The Reluctant Revolutionary (2012)
Binidyo, pinrodyus at dinirehe ni Sean McAllister
Pinalabas sa Storyline ng BBC Four
April 9, 2012
Rebyu ng The Reluctant Revolutionary (2012)
Binidyo, pinrodyus at dinirehe ni Sean McAllister
Pinalabas sa Storyline ng BBC Four
January 9, 2012
Rebyu ng pelikulang “Ka Oryang” (Cinema One Originals & Kino Arts, 2011) | Dinirehe ni Sari Lluch Dalena, Istorya/Iskrip nina Sari Lluch Dalena at Keith Sicat | Tampok sina Alessandra de Rossi, Joem Bascon, Emilio Garcia, Angeli Bayani, Marife Necesito, Kalila Aguilos, Che Ramos, Alex Vincent Medina at Amable Quiambao
November 21, 2011
Una sa lahat, maaaring hindi tayo magugulat sa larawang ito: batang Sudanese na gumagapang sa lupa patungo sa isang feeding station ng UN noong Marso 1993. Sa likod niya, isang buwitre, naghahandang sagpangin ang bata. Pamilyar na kasi tayo sa larawang ito. Baka hindi ang eksaktong larawang ito, pero katulad nito: Larawan ng gutom at desperasyon sa Aprika.
November 13, 2011
Palaging naihahalintulad ang propesyunal na laro ng boksing sa labanan ng mga gladiator noong panahon ng imperyo ng Roma. Sa labanan ng mga gladiator, gustong ipamalas ng imperyo kung paano dapat lumaban – at mamatay, nang may “dangal.” Nagsisilbing ehemplo ang mga gladiator para sa mga sundalo at mamamayan ng Roma kung papaano maglingkod sa imperyo at lumaban.
October 27, 2011
Sa kalangitan, daan-daang metro ang layo mula sa lupain, kakaiba ang karanasang makita ang mushroom cloud na nalilikha ng pagbagsak at pagsabog ng bomba na nilaglag mula sa eroplano. Di tulad ng mga sundalo sa ibaba, na harap-harapan ang pakikidigma at pagpatay sa kaaway, malayo sa aktuwal na karahasan ang mga piloto ng mga eroplanong pangmilitar.
October 15, 2011
Palaging nasa caption ng mga larawan ni Sebastiao Salgado ang lugar at taon kung kailan kinuha ang larawan. Mahalaga ang impormasyong ito. Kasi kung wala ito, isang magandang litrato lang ang makikita. Magandang komposisyon, magandang ilaw, magandang timing, magandang porma. Pero ano ang pagkakaiba nito sa isang fashion shoot ng isang nangangayayat na modelo na suot ang mga haute couture na damit habang nasa gitna ng disyerto o gubat?
October 5, 2011
Maraming imahen na nalilikha ang Occupy Wall Street. Interesante ang nasa itaas, unang una, dahil parang inosenteng tinedyer ang inaresto ng isang pulis ng New York matapos ang protesta sa Brooklyn Bridge.
September 19, 2011
Kalulunsad pa lamang noon ng welgang transportasyon o transport strike kontra sa pagtaas ng presyo ng langis. Nagbarikada ang mga estudyante sa University Avenue. Rumesponde ang mga pulis. Isang marahas na komprontasyon ang nasimulan.
September 8, 2011
Bago naganap ang karumaldumal na krimen sa sangkatauhan noong Setyembre 11, 2001, naganap muna ito: Ang karumaldumal na krimen sa sambayanan ng bansang Chile, noong 1973.