Pangangapa
Hagonoy, Bulacan -- Kahit sa murang edad, sumasama sa pangangapa (panghuhuli ng natirang laman ng palaisdaan matapos itong anihin), ang mga batang tulad niya para makatulong kahit kaunti sa kabuhayan ng kanilang pamilya. Soliman A. Santos
Hagonoy, Bulacan -- Kahit sa murang edad, sumasama sa pangangapa (panghuhuli ng natirang laman ng palaisdaan matapos itong anihin), ang mga batang tulad niya para makatulong kahit kaunti sa kabuhayan ng kanilang pamilya. Soliman A. Santos
MALOLOS, BULACAN — Niloloko na naman kami ng militar. Ito ang reaksiyon ng mga kaanak nina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño, mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas na hinihinalang dinukot ng mga militar noon pang 2006, nang muling mabigo ang depensa para magharap ng kanilang testigo. Hindi dumating sa pagdinig ng Malolos Regional Trial Court […]
Sa paspasang pag-apruba ng Kamara sa resolusyon kaugnay ng charter change o Cha-cha noong unang linggo ng Marso, hindi ikinaila ng mga nagsusulong nito na “probisyong pang-ekonomiya” lamang ang gagalawin ng Kongreso. Hayagang pangmamaliit sa soberanya ng bansa ang ipinangangalandakan ng mga promotor ng Cha-cha. Pinakatampok kasi sa isinusulong nito ang 100% pagmamay-ari ng dayuhang […]
Nagprotesta sa harapan ng emabahada ng US ang mga aktibistang pangkalikasan mula sa Kalikasan People’s Network for the Environment (Kalikasan PNE) noong Enero 17 para kondenahin ang kawalan ng aksiyon ng mga gobyerno ng Pilipinas at US sa paghabol sa kompensasyon sa nawasak na bahura sa Tubbataha Reef Natural Park isang taon na ang nakalilipas. […]
Kinondena ng isang grupong maka-kalikasan ang bagong polisiya ng Tsina na nagdidikta sa mga dayuhang sasakyang pampangisdaan na kumuha ng pagsang-ayon mula sa kanilang awtoridad bago mamalakaya sa West Philippine Sea. Ayon kay Leon Dulce, campaign coordinator ng Kalikasan People’s Network for the Environment (Kalikasan PNE), ang bagong polisiya ng Tsina ang pinakahuling panghihimasok nito […]
Mabuti ang pag-aalok ng tulong ng mga lider ng iba’t ibang bansa at mga institusyon, subalit wala ito dapat na interes o anumang kapalit. Ito ang pahayag ng mga kinatawan ng Bayan Muna na sina Rep. Neri Colmenares at Carlos Zarate kaugnay ng tulong na iniaalok ng mga institusyong tulad ng Asian Development Bank (ADB) […]
Binatikos ng mga grupong makakalikasan ang anila’y tumataas na bilang ng paglabag sa karapatan ng mga aktibistang tutol sa pagmimina, kasunod ng pinakahuling serye ng pagpaslang sa katutubong mga mamamayan sa Katimugang Mindanao at pagkawala ng isang aktibista sa Nueva Vizcaya. “Malinaw na dumarami na naman ang paglabag sa karapatan ng mga aktibistang pangkalikasan sa […]
Nanawagan ng imbestigasyon ang mga grupong maka-kalikasan kaugnay ng patuloy na operasyon ng Philex Mining Corp. sa kabila ng naganap na mine spill sa Agno River noong nakaraang taon. Sa isang kilos-protesta sa harap ng tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Quezon City ngayong araw, pinananagot ng Kalikasan People’s Network for […]
Gutom at Dukhang Pilipino. Ito ang ibig pakahulugan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa ipinagmamalaking paglago umano ng gross domestic product (GDP) sa ilalim ng administrasyong Aquino. Sa isang protesta sa pulong ng mga ekonomista ni Pangulong Aquino sa Philippine International Convention Center sa Pasay City noong Pebrero 13, ibinunyag ng mga miyembro ng Bayan […]
Hindi mapapanagot ni Pangulong Aquino ang US Navy kaugnay ng insidente sa Tubbataha kung hindi niya makikita ang papel ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa naturang usapin, pahayag ni Renato Reyes, pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan o Bayan. Sinabi ni Reyes na walang sasakyang pandigmang US sa ating karagatan, kung walang VFA. “Walang sasakyang […]