Balita

Manggagawa ng NXP, muling sumugod sa DOLE

Muling sumugod sa tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga manggagawa ng NXP Semiconductors Cabuyao Inc. para ipanawagan na muling ibalik ang 24 na opisyal na tinaggal ng manedsment sa trabaho at ituloy ang kanilang Collective Bargaining Agreement (CBA). Mula nang tanggalin ang 24 na opisyal noong Mayo 5, hindi pa umano […]

‘Di pantay na relasyon’ ng gobyernong Amerika, Pilipinas kinondena

Tinangkang makalapit sa Embahada ng Estados Unidos (US) ang iba’t ibang grupo sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) para salubungin ng protesta ang ika-68 taon ng Philippine-American Friendship Day. Pero pinagpapalo at pinagtutulak sila ng mga pulis para pigilan. Ayon sa Bayan, walang dapat ipagdiwang ang mga Pilipino dahil sa patuloy na pakikialam ng […]

Panawagang pagpapatalsik kay Noynoy umiinit

Pinaiinit ng mga grupo ng kabataan ang panawagang mapatalsik sa puwesto si Pangulong Aquino. Sa protesta ng kabataan sa paanan ng Mendiola, nanawagan sila sa taumbayan na magkaisa para alisin sa poder si Aquino batay sa sari-saring isyu–pinakamainit nito ang Disbursement Acceleration Program (DAP) na idineklarang ilegal ng Korte Suprema kamakailan. “Naholdap ang kabataan dahil […]

Abad, Aquino pinapanagot ng mga guro sa DAP  

Sumugod ang mga guro sa tanggapan ng Department of Budget and Management (DBM) para ipanawagan ang agarang paglilitis kina Budget Sec. Florencio Abad at Pangulong Aquino sa paggamit umano ng P177 Bilyong Disbursement Acceleration Program (DAP). Idineklara kamakailan ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ng Pilipinas ang DAP kaya dapat umanong managot ang mga […]

Aquino, inutil sa taas-presyo ng bilihin, dapat patalsikin – Gabriela

Nagmartsa patungong Mendiola sa Maynila ang grupo ng kababaihan para kondenahin ang kainutilan umano ng administrasyong Aquino para pigilan ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng pangunahing mga bilihin gaya ng bigas, langis, delata, gatas, at bawang, at iba pa. Pinakahuli rito ang P4.30 pagtaas ng presyo ng gatas at panibagong dagdag-singil na P.45 kada […]

Pag-indak laban sa pagpapalayas sa ospital ng mga bata

Isang iglap na pag-indak ang ginawa ng mga kawani ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) bilang pagpapakita ng  pagkakaisa na pigilan ang planong paglipat ng nasabing ospital. Plano kasi ng Department of Health (DOH) na ilipat ang nasabing ospital sa bakuran ng Lung Center of the Philippines (LCP) na tinututulan ng mga kawani at mga […]

Jail plunderers, free political prisoners – rights groups

While senators accused in pork barrel scam rant about the heat, rats and roaches inside the Camp Crame Custodial Center and Janet Lim Napoles is being detained in a spacious villa inside a Camp in Sta. Rosa, Laguna, political prisoners have it worse. Human rights groups denounced what they called “double standard” in the government’s […]

Filipino comfort women slam Aquino support for Japanese militarism

Barely able to walk in their advanced age, Filipino comfort women of Lila Pilipina braved the sun to picket the Japanese Embassy and Mendiola in Manila in protest of the P8.8 Million, one-day trip of President Aquino to Japan. The lolas of Lila Pilipina condemned Aquino’s support for Japanese Prime Minister Shinzo Abe’s proposal to change […]

Problema sa klasrum, kagamitan sa eskuwela laganap pa rin

Tatlong linggo matapos ang pasukan, pinoproblema pa rin ang mga estudyante, guro, administrador ng eskuwela at magulang sa kakulangan ng mga klasrum. Sa kabila ito ng sinasabing pagtugon ng Department of Education (DepEd) ng administrasyong Aquino sa problemang pagsiksikan sa isang klasrum at guro ng aabot sa 75 mag-aaral sa pampublikong mga eskuwelahang elementarya at […]

Dagdag-suweldo, benepisyo ng guro, kawani iginiit sa Araw ng Maynila

Nagprotesta ang mga guro sa ilalim ng Manila Public School Teachers Association (MPSTA) at Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa pagdiriwang ng Araw ng Maynila para ibalik ang tinanggal nilang benepisyo at itaas ng kanilang suweldo Nagmartsa ang mga guro ng Maynila mula Liwasang Bonifacio patungong Manila City Hall at Mendiola. “Imbes na magpahinga at […]