Balita

Pagpaslang sa menor-de-edad sa demolisyon sa Tarlac, kinondena

Mariing kinondena ng Anakpawis Partylist-Gitnang Luson, Karapatan-Tarlac at Salinlahi Alliance for Children’s Concerns ang pagkakapaslang sa isang 15 taong gulang na bata sa marahas na demolisyon sa maralitang komunidad sa Brgy. San Roque, Tarlac City, noong Oktubre 2. Ang biktimang si John Cali Lagrimas, mula sa Brgy. San Francisco ng naturang lungsod, ay napatay habang nagaganap […]

Panibagong sistema ng pasahod tinututulan ng mga obrero

Muling kinalampag ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang  tanggapan ng National Wages and Productivity Commission (NWPC), para tutulan ang two-tiered wage system na ipinapatupad na sa labing-isang rehiyon sa buong Pilipinas. “Ginagatungan ng administrasyong Aquino ang galit ng mga manggagawa.  Hindi lang nito tinanggihan ang makabuluhang dagdag sahod, ipinatupad pa nito ang 30 porsiyento kaltas […]

Pagiging pugante ni Palparan, kinukunsinti ng gobyerno?

Parang hindi na interesado ang administrasyong Aquino na hanapin ang pugante at pangunahing suspek sa maraming paglabag sa karapatang pantao na si Hen. Jovito Palparan. Ito ang sinabi ni Cristina Palabay, pangkalahatang kalihim ng Karapatan, grupong pangkarapatang pantao. “Nangangamba kaming tila nasasanay na at kinukunsinti ng gobyerno ang pagiging absent ni Hen. Palparan sa court […]

Maralita hinamon si Mar Roxas na itigil ang mga demolisyon

Nilusob ng mga maralita ang tanggapan ng Department of Interior and Local Government (DILG) para hamunin ang sekretaryo nito na si Manuel Roxas III na aksiyunan ang mga mararahas na demolisyon, at magpatupad ng moratoryo. Naganap ito habang marahas na dinedemolis ang kabahayan ng mga maralita sa Guatemala, Makati. Marami ring nakaambang demolisyon sa iba […]

40 taon makalipas: Batas militar nagpapatuloy

Muling binagtas ng mga aktibista ng dekada sisenta at otsenta ang daan patungong tulay ng Mendiola sa Maynila para muling gunitain ang malagim na kasaysayan ng deklarasyon na batas militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong Setyembre 21, 1972

Libong guro, sumugod sa Kamara para sa dagdag-suweldo, dagdag-badyet sa edukasyon

Bitbit ang kanilang pampaingay na mga kalembang, mahigit 1,000 guro ang nagmartsa patungong Batasan Pambansa sa Kamara para ipanawagang isabatas ang House Bill 2124 na naglalayong itaas ang kasalukuyang sahod na natatanggap ng mga guro mula sa Salary Grade 11 patungong Salary Grade 15. Dala rin ng mga guro ang paggiit ng dagdag-badyet para sa […]

‘Pagdagsa ng puwersang militar ng Kano sa bansa, panganib sa relasyong panlabas ng Pilipinas’

Ipinrotesta ng mga militante sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang pinakahuling mga hakbang ng gobyerno ng US para paigtingin ang presensiyang militar nito sa Pilipinas. Pinakahuli nito ang panibagong pagpasok ng isang nuclear-powered submarine sa Subic Bay, Zambales. Ipinoprotesta din ng Bayan ang patuloy na partisipasyon ng US spy planes sa isang naval […]

Embahada ng US, sinugod ng LFS sa kanilang ika-35 anibersaryo

Tinangkang makalapit ng kabataang aktibista sa ilalim ng League of Filipino Students (LFS) ang embahada ng US para iprotesta ang anila’y patuloy na mala-kolonyal na kontrol ng US sa bansa at patuloy na pagpapakatuta umano ng administrasyong Aquino sa dikta ng Amerika. Sinabay ng LFS ang protestang ito sa ika-35 anibersaryo ng naturang organisasyon ng […]

Korporatisasyon ng pampublikong mga ospital, minamadali sa Kamara

Hindi lamang ang 26 na publikong ospital ang nakataya kung matuloy na maipasa ng House Bill 6145 at House Bill 6069, gauyundin ang Senate Bill 3130. Nakataya rito ang karapatan ng mga mamamayang Pilipino sa serbisyong pangkalusugan. Ito ang mensaheng nais ipaabot ng sektor ng pangkalusugan mula sa mga publikong ospital sa harap ng Kamara […]