Balita

Kaso ni Leonard Co, wala pa ring linaw matapos ang dalawang taon

“Ang bawat araw na dumaan na hindi nareresolba ang kaso ay araw ng kawalang hustisya para sa mga kaanak ng mga biktima sa pagmasaker sa Kananga.” Ito ang sinabi ni Giovanni Tapang, convenor ng Justice for Leonard Co Movement, sa isang piket-protesta sa harap ng  Department of Justice (DOJ) kaalinsabay ng ikalawang taon ng pagpaslang […]

Guro, 5 iba pa, dinukot sa Rizal

Mariing kinondena ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio ang umano’y pagdukot ng militar sa isang guro. Kasamang dinukot ang lima niyang kasamahan na kapwa babae sa Rodriguez, Rizal matapos ang isang engkuwentro sa pagitan ng rebeldeng New People’s Army at Philippine Army noong Nobyermbre 7. Iginiit ni Tinio na agarang ilitaw at palayain sina […]

Anak ng tagapagsalita ng CPDF ‘ilegal’ na inaresto

(UPDATED) Inaresto ng mga pulis sa Baguio City ang anak ni Simon “Ka Filiw” Naogsan, tagapagsalita ng Cordillera Peoples Democratic Front (CPDF), rebolusyonaryong organisasyon ng mga kautubo na kaanib ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Matapos ang halos isang linggo ng paghahanap ng mga kaanak at grupong pangkarapatang pantao, natagpuan nilang nakapiit sa […]

Larawan: Panukalang batas para sa Filipino Sign Language, itinulak sa Kamara

Silent mob: Idinaan ng mga kalahok sa demonstrasyon sa pagpito ang kanilang panawagan para sa agarang pagpasa ng House Bill 6079 ng ACT Teachers Party-list. Layunin ng panukalang batas na gamitin ang wikang Filipino sa sign language sa mga eskuwelahan, ahensiya ng gobyerno at iba pang lugar. Ang raling ito ng mga may kapansanan sa pandinig ay isinagawa sa harap ng Batasan Pambansa sa muling pagbubukas ng Kamara noong Nob. 5

Hidwaang Smartmatic-Dominion maaaring makagulo sa halalang 2013

Naglabas ng agam-agam ang isang grupo ng mga migrante na baka mabalam ang halalang 2013 dahil sa hidwaan ng mga kompanyang magpapatakbo ng automated na pagboto. Ayon kay Connie Bragas-Regalado, tagapangulo ng Migrante Partylist, naghapag ng balidong concern ang electoral watchdog na Automated Elections System Watch (AES) nang sabihin nitong maaaring humantong na paggamit ng piniratang […]

Demolisyon ‘para sa negosyo ni Ayala’, muling naantala

Tinaguriang tagumpay ng mga maralita ng Sitio San Roque, North Triangle sa Quezon City ang muling pagkaantala ng demolisyon sa kanilang komunidad, matapos magbarika kaninang umaga. Kahapon, nakatanggap ng ulat ang mga residente na itutuloy ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang matagal nang nakaambang demolisyon sa ekta-ektaryang lupain na ipapagamit ng gobyerno sa […]

Mangingisda, makakalikasan nanawagan ng moratoryo sa reklamasyon

Nanawagan ang mga mangingisda, makakalikasan at mga eksperto mula sa 50 organisasyon sa buong bansa na itigil ang lahat ng proyektong reklamasyon sa ilalim ng National Reclamation Plan (NRP). Napagkaisahan ng mga grupo ang panawagan sa pamamagitan ng People’s Summit on the Impacts of Reclamation na ginanap sa Quezon City kamakailan.  Napagkasunduan din ng mga […]

Pamilya ni Ericson Acosta, tinatakot at hinaharas ng militar

Inirereklamo ng pamilya ng bilanggong pulitikal na si Ericson Acosta ang pananakot at pagbabanta sa kanila ng diumano’y mga ahente ng militar. Inihayag ni Isaias Acosta, ama ni Ericson na nakatanggap ang kanilang drayber ng  magkasunod na  text messages noong Oktubre 24 at 25.  Nakasaad sa unang text message: “ericson acosta is in danger he […]

Kapunan lalong nadidiin sa kaso ng pagpatay kina Olalia, Alay-ay

Isang dating pulis ang tumestigo sa korte na isinama siya ni retiradong Lt. Col. Eduardo “Red” Kapunan sa pulong ng grupong nagplano ng pagpatay sa lider-obrero na si Rolando Olalia at Leonor Alay-ay halos 26 taon na ang nakararaan. Si Medardo Barreto, dating sarhentong pulis, ang nagtestigo sa pagdinig ng Antipolo Regional Trial Court Branch […]