Balita

Dalawang organisador ng kawani ng gobyerno dinukot sa Maynila, ipiniit sa Cam.Norte

Kinondena ng militanteng organisasyon ng mga kawani ng gobyerno ang pagdukot at pag-aresto sa Maynila at pagkulong sa Camarines Norte ng dalawa nilang kasapi at organisador. Sinabi ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage) na aktibo sa pag-oorganisa sa mga kawani ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at iba pang ahensiya […]

Larawan: Rali-iglap ng rebolusyonaryong health workers isinagawa sa Maynila

Nagsagawa ng rali-iglap o lightning raly ang mga manggagawang pangkalusugan sa ilalim ng rebolusyonaryong grupong Makabayang Samahang Pangkalusugan o MSP. Ipinagdiriwang ng MSP ang kanilang ika-34 taong anibersaryo. Miyembro ng National Democratic Front of the Philippines o NDFP ang MSP. (Kontribusyon)

Kawani ng NHA, nagbarikada sa QMC para igiit benepisyo, dagdag-suweldo

Isang linggo nang nagpoprotesta ang mga kawani ng National Housing Authority (NHA) para igiit sa administrasyong Aquino ang kanilang mga benepisyong napagtagumpayan sa pamamagitan ng negosasyon ng unyon at manedsment ng ahensiya. Ilang minutong binarikada ng mga kawani ng NHA, sa pangunguna ng Consolidated Union of Employees-NHA (NUE-NHA), ang kalsada sa harap ng Quezon City […]

Bilanggong pulitikal dumarami sa panahon ni PNoy

May pagtaas sa bilang ng mga bilanggong pulitikal sa ilalim ng administrasyong Aquino. Ito ang pahayag ng Samahan ng mga Ex-Detainee laban sa Detensyon at Aresto (Selda), sa isang kilos protesta sa harapan ng Camp Crame kamakailan. Mayroon umanong 123 bilanggong pulitikal ang inaresto sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Aquino. Gayundin, laganap umano ang […]

Kredibilidad ng ‘superbody’ ni PNoy sa pag-imbestiga sa mga abuso, kinuwestiyon

Pinuna ng grupong pangkarapatang pantao na Karapatan ang pagbuo ng administrasyong Aquino ng isang “superbody” na iimbestiga sa mga kaso ng pagpatay, pagkawala, tortyur at iba pang mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao. “Parang nakakaloko naman ito,” ani Cristina Palabay, pangkalahatang kalihim ng Karapatan sa pagkakabuo ng inter-agency. Aniya, kuwestiyonable ang kredibilidad ng naturang […]

Madilim na Pasko para sa mga kawani ng gobyerno?

Nagmartsa ang mga kawani ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa paanan ng Malakanyang sa Mendiola para tutulan ang pag-atake ng administrasyong Aquino sa kanilang mga benepisyo at karapatan. Pinangunahan ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (Courage) ang martsa ng mga kawani mula sa Department of Budget and Management (DBM) patungong […]

Larawan: Glenn Defense Marine, gobyernong US dapat managot sa toxic waste sa Subic

Nagmartsa ang humigit-kumulang 100 katao sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) patungong Roxas Boulevard, malapit sa tanggapan ng Glenn Defense Marine, na siyang katapat din ng embahada ng US. Iginigiit nila ang pagtigil ng operasyon ng naturan pribadong kompanya na may kontrata sa US Navy. Napag-alaman kamakailan ang pagtatapon ng Glenn Defense ng toxic wastes sa karagatan ng Subic, Zambales. (KR Guda)

Isang milyong pirma laban sa pribatisasyon, isinulong ng kawani sa kalusugan

Isang milyong pirma ang layong makuha ng mga kawaning pangkalusugan laban sa korporatisasyon o pagsasapribado sa 26 na pampublikong ospital na isinusulong ngayon sa Kongreso sa ilalim ng programang Public-Private-Partnership ng administrasyong Aquino. Nagsimulang mangalap ng isang milyong pirma ang mga kawaning pangkalusugan sa ilalim ng Alliance of Health Workers (AHW) sa pampublikong mga ospital […]

Kagawad ng barangay sa Bikol pinaslang ng militar?

Pinabulaanan ng Karapatan ang mga magkakaibang pahayag ng militar hinggil sa pagpatay kay Ely Oguis, isang kagawad ng Barangay Cabaloan sa Guinobatan, Albay. Ayon sa grupo, inililigaw ng militar ang katotohanan sa brutal na pagpatay sa biktima na natagpuang may mga tama ng bala sa dibdib at pinugutan pa ng ulo noong Nobyembre 12. Sa […]