Balita

K+12 sa kongreso, minamadali

Kinondena ng Kabataan Party-list at ACT Teachers’ Party-list ang anila’y minadaling pagpapasa sa second reading ng House Bill 6643 o ang K+12 sa Kamara sa kabila ng anila’y hindi pa pagiging handa ng Department of Education para sa implementasyon nito. “Sa pagtatanong ko sa plenaryo, inamin ng pangunahing mga nagpasa ng K+12 Bill na ang […]

Panggagahasa sa Okinawa, R&R ng tropang Kano sa Subic, ikinabahala

Ikinabahala ng grupong pangkababaihan na Gabriela ang panggagahasa ng isang babae sa baseng militar ng Estados Unidos sa Okinawa, Japan noong Oktubre 8. Kasabay ang insidente ng pagtatapos ng Phiblex 13 (Philippines-US amphibious landing exercise), ang pinakahuling ehersisyong militar sa pagitan ng mga tropang Amerikano at Pilipino na ginanap sa iba’t ibang bahagi ng Luzon. […]

Militar pinapanagot sa masaker sa pamilya ng katutubong kontra sa mina

Masaker, hindi engkuwentro. Ito ang iginigiit ng iba’t ibang grupo kasama na ang simbahang Katoliko sa naganap na insidente sa Tampakan South Cotabato noong Oktubre 18. Napaslang noon si Juvy Capion at mga anak niyang sina John, 8, at Jorge, 13. Si Juvy ay asawa ni Daguil Capion na isang lider-katutubo ng tribong B’laan, at […]

‘Badyet ni PNoy sa 2013, gagamitin sa eleksiyon’

Election budget at hindi empowerment budget. Ganito ilarawan ng Kabataan Party-list ang PhP2-Trilyong pambansang badyet para sa 2013 ng administrasyong Aquino na naipasa sa Kongreso sa third reading na nauna pa maging sa taunang General Appropriations Bill. Kasi naman, anila, lumabas sa diskusyon sa Kongreso na lulan ng naipasang badyet ang higit na pork barrel, […]

RH Bill, itinutulak sa gitna ng badyet pangkalusugan na P1 bawat Pinoy

Itinutulak ng Gabriela ang kagyat na pagsisimula ng talakayan ng Kongreso sa mga amyenda sa Reproductive Health (RH) Bill, matapos maaprubahan ng Mababang Kapulungan ang 2013 pambansang badyet na naglalaan lamang ng P1.10 para sa kalusugan ng bawat Pilipino. Sa isang piket sa harap ng House of Representatives kahapon, binatikos ng grupo ang kawalan ng […]

Militanteng kabataan, kinumpronta ang Akbayan sa ‘red-baiting’, pagiging ‘bogus’ na party-list

Kinumpronta ng mga miyembro ng Anakbayan-National Capital Region (Anakbayan-NCR) ang mga lider ng Akbayan Party-list sa isang press conference sa Ermita, Manila. Inakusahan ng mga aktibista ang Akbayan ng paglalagay sa mga miyembro ng Anakbayan sa panganib sa pamamagitan ng red-baiting (pagbansag na komunista) at pagsasamantala sa sistemang party-list dahil di-kinakatawan ng Akbayan ang mardyinalisadong […]

Lider kontra pagmimina sa Batangas, nakaligtas sa pagpaslang

Sugatan ang isang lider-kababaihan na kontra pagmimina matapos ang tangkang pamamaslang kahapon sa probinsya ng Batangas. Ayon sa ulat ng Gabriela-Southern Tagalog, dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo at naka-bonnet ang bumaril kay Daisy Ayo, kasapi ng Gabriela-Batangas at miyembro ng Samahan at Ugnayan ng Mamamayan ng Batangas, sa palengke ng Brgy. Lucsuhin, Calatagan. “Masuwerte lamang […]

Nagpetisyon sa Korte Suprema vs Cybercrime Law, nagkaisa

Nagkaisa ang iba’t ibang grupo na nagpetisyon sa Korte Suprema kontra sa Cybercrime Law na itutuloy ang laban sa nasabing batas, sa kabila ng umano’y tangka ng gobyernong Aquino na hatiin ang kanilang hanay. Noong Sabado, nagkaisa sa ilalim ng hastag na #NoToCybercrimeLaw ang mga kabataan, abogado, bloggers, mamamahayag, at grupong multi-sektoral na naghain ng […]

Philex dapat magbayad sa lahat ng perwisyo- Kalikasan

Nakikiisa ang Kalikasan-People’s Network for the Environment (Kalikasan-PNE) sa iba’t ibang grupo sa panawagang panagutin ang Philex Mining Corporation sa anila’y “pinakamalalang sakuna sa pagmimina sa nakaraang dalawang dekada. ” “Nanawagan kami sa Philex na bayaran ang lahat ng nagawa nilang sakunang pangkalikasan at panlipunan,” ayon kay Clemente Bautista, tagapag-ugnay ng Kalikasan. Lumabas sa isinagawang […]

Internasyunal na komunidad, nabahala sa pagpaslang ng lider-katutubo

Nabahala ang internasyunal na komunidad sa pagpatay kay Gilbert Paborada, 47, isang lider-katutubo na lumalaban sa pangangamkam ng lupa ng isang plantasyong palm oil sa Opol, Misamis Oriental. Sa isang pahayag sa midya, kinondena ng Pesticide Action Network Asia and the Pacific (PAN AP), isang nongovernment organization na nakabase sa Malaysia, ang pagbaril kay Paborada […]