Karapatang Pantao

Larawan: Matapos 26 taon, hustisya para kina Olalia, Alay-ay di pa rin nakakamit

Ginunita ng mga manggagawa sa ilalim ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang ika-26 taong anibersaryo ng kamatayan ni Atty. Rolando Olalia at Leonor Alya-ay. Tagapangulo ng KMU si Olalia nang dukutin, tortyurin at paslangin noong Nobyembre 13, 1986 ng hinihinalang mga militar na kasapi ng Ram. (Macky Macaspac)

Binatikos ng KMU at mga grupong pangkarapatang pantao ang anila'y napakabagal na pag-usad ng kaso. 26 taon matapos paslangin ang lider-obrero, noong Oktubre pa lamang nakuha ng National Bureau of Investigation ang kustodiya kay retiradong Lt. Col. Red Kapunan, isa sa pangunahing mga suspek sa pagpaslang kina Olalia at Alay-ay. Noong Oktubre 24, inaresto naman si Sgt. Dennis Jabatan, isa pang suspek sa pamamaslang. (Macky Macaspac)

Binatikos ng KMU at mga grupong pangkarapatang pantao ang anila’y napakabagal na pag-usad ng kaso. 26 taon matapos paslangin ang lider-obrero, noong Oktubre pa lamang nakuha ng National Bureau of Investigation ang kustodiya kay retiradong Lt. Col. Red Kapunan, isa sa pangunahing mga suspek sa pagpaslang kina Olalia at Alay-ay. Noong Oktubre 24, inaresto naman si Sgt. Dennis Jabatan, isa pang suspek sa pamamaslang. Iginigiit ng mga kaanak ni Olalia at mga grupong pangkarapatang pantao na dapat panagutin ang iba pang opisyal ng militar, kabilang ang mga lider ng maka-kanang Rebolusyonaryong  Alyansang Makabansa o RAM, sa pamamaslang. (Macky Macaspac)