Balita

‘Unsung Heroes Day’ ni Padilla, pagbaluktot sa kasaysayan

Binatikos ng grupo ng mga dating bilanggong politikal ang panukalang batas ni Senador Robinhood Padilla na gawing “Unsung Heroes Day” ang Setyembre 21, ang araw kung kailan ginugunita ang deklarasyon ng batas militar ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr.

Araullo laban sa red-tagging nina Badoy at Celiz

Nagsampa ng kasong sibil ang mamamahayag na si Atom Araullo laban sa mga host ng Sonshine Media Network International (SMNI) na sina Lorraine Badoy at Jeffrey Celiz nitong Setyembre 11. Para sa sinasabing paninirang puri ng dalawa, P2 milyon ang idinedemanda ng panig ni Araullo bilang pagpapanagot.

Migrante PH: ‘Wag pahirapan ang mga biyahero

Ayon kay Migrante Philippines chairperson Arman Hernando, kung nais sawatahin ng IACAT ang human trafficking, hindi solusyon ang paghihigpit kundi dapat habulin ang mga salarin sa illegal recruitment at trafficking.

Hindi kami kasama sa NTF-Elcac —CBCP

Nilinaw ni CBCP president at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na hindi mismong CBCP ang kasapi sa task force kundi ang isa sa 31 komisyon ng kumperensiya, ang Episcopal Commission on Public Affairs na pinamumunuan ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista.

Manggagawang may mababang sahod, dumami

Para makaagapay sa pagsirit ng mga presyo, napilitang pumasok sa trabahong may mababang pasahod ang mga manggagawang Pilipino batay sa datos ng Philippine Statistics Authority.

‘Ilitaw ang lahat ng nawawala’

Sa paggunita sa International Day of the Disappeared, muling nagprotesta ang mga pamilya’t kaibigan ng mga biktima ng sapilitang pagkawala o desaparecidos sa harap ng Court of Appeals (CA) sa Maynila noong Agosto 30.

Ikalawang National Press Freedom Day, ginunita

Ginunita nitong Agosto 30 ang ikalawang National Press Freedom Day kasabay ng kaarawan ni Marcelo H. Del Pilar na kinikilalang “Father of Philippine Journalism.” Pero kahit mayroong pambansang araw para sa malayang pamamahayag, patuloy ang mga atake at karahasan sa mga alagad ng midya.