Unyonista sa Davao, hinaras ng NTF-Elcac
Kinondena ng Kilusang Mayo Uno ang panibagong insidente ng harassment sa hanay ng mga unyonista at manggagawa. Sinabi ng sentrong unyon na “walang nagiging pagbabago at lalo pang tumitinding ang pambabalasubas ng gobyerno at mga armadong [puwersa] nito sa kalayaan sa pag-uunyon at pag-oorganisa.”