Kababaihan tutol sa dagdag-pasahe, panibagong taas-presyo ng langis kinondena
Tinutulan ng grupong pangkababaihan na Gabriela ang petisyon ng ilang grupong transport na dagdagan ng P2 ang minimum na pasahe.
Tinutulan ng grupong pangkababaihan na Gabriela ang petisyon ng ilang grupong transport na dagdagan ng P2 ang minimum na pasahe.
Sa pagdiriwang ng International Day for the Elimination of Violence Against Women ngayong araw, pinaalala ng kababaihan sa gobyernong Aquino na dapat ding panagutin si dating pangulong Gloria Arroyo para sa mga paglabag sa karapatang pantao ng kanilang mga kabaro. Ayon sa Gabriela, may 153 kababaihan ang pinaslang, 11 ang dinukot, at 290 ang ilegal […]
Kinondena ng kababaihan ang 44 sentimos kada kilowatt hour na pagtaas sa presyo ng kuryente. Ibig sabihin, madaragdagan ng higit-kumulang P44 ang electric bill ng mga pamilyang kumokonsumo ng 100 kwh kada buwan.
Madalas na ngang di kinikilala o binabayaran ang lakas-paggawa ng kababaihan, pinasasahol pa ito ng kontraktuwalisasyon, na pinagtibay ng Labor Code, mga utos ng Department of Labor and Employment, at ang desisyon kamakailan ni Pangulong Aquino hinggil sa kontraktuwalisasyon sa Philippine Airlines.