Karapatang Pantao

Internasyunal na komunidad, nabahala sa pagpaslang ng lider-katutubo

Nabahala ang internasyunal na komunidad sa pagpatay kay Gilbert Paborada, 47, isang lider-katutubo na lumalaban sa pangangamkam ng lupa ng isang plantasyong palm oil sa Opol, Misamis Oriental. Sa isang pahayag sa midya, kinondena ng Pesticide Action Network Asia and the Pacific (PAN AP), isang nongovernment organization na nakabase sa Malaysia, ang pagbaril kay Paborada […]

Cybercrime Law, seryosong banta sa karapatan sa pamamahayag

Buwan ng Setyembre ang nagpapaalala sa atin sa pagkakasilang ng Batas Militar ni dating Presidente Ferdinand Marcos. Ang panahong ito ang isa sa pinakamalagim sa kasaysayan. Libu-libo ang pinaslang, dinukot, ipinakulong at kinitil ang kanilang karapatan sa kalayaang magpahayag, 40-taon na ang nakakaraan. At muli nitong Setyembre isang batas ang pinirmahan ni Pang. Benigno Aquino […]

Pagiging pugante ni Palparan, kinukunsinti ng gobyerno?

Parang hindi na interesado ang administrasyong Aquino na hanapin ang pugante at pangunahing suspek sa maraming paglabag sa karapatang pantao na si Hen. Jovito Palparan. Ito ang sinabi ni Cristina Palabay, pangkalahatang kalihim ng Karapatan, grupong pangkarapatang pantao. “Nangangamba kaming tila nasasanay na at kinukunsinti ng gobyerno ang pagiging absent ni Hen. Palparan sa court […]

40 taon makalipas: Batas militar nagpapatuloy

Muling binagtas ng mga aktibista ng dekada sisenta at otsenta ang daan patungong tulay ng Mendiola sa Maynila para muling gunitain ang malagim na kasaysayan ng deklarasyon na batas militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong Setyembre 21, 1972

Pagpaslang sa lider-transport kinondena

Kinondena ng militanteng mga grupo ng mga manggagawa at tsuper ang pagpaslang sa isang lokal na transport lider sa Pampanga.Sinabi ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) at Kilusang Mayo Uno (KMU) na binaril ng dalawang hindi nakilalang salarin na nakasakay sa isang motorsiklo si Ponciano Infante, lider ng Piston sa […]

‘Nasaan sila, at nasaan ang hustisya?’

Patuloy ang kanilang paghahanap sa mga nawawala at dinukot na mga kaanak. Patuloy pa rin ang paglaban para sa hustisya. Nagmartsa ang mga kaanak ng mga biktima ng sapilitang pagdukot at pagkawala bilang paggunita sa Pandaigdigang Araw ng Desaparecidos, Agosto 30. Kanila pa ring idinadaing ang kawalang hustisya para sa mga kaanak na dinukot at […]

Bidyo: Message to my desaparecido

Sa bidyo na likha ni JL Burgos, kapatid ng dinukot na aktbistang si Jonas Burgos, nagbigay ng mensahe ang mga kamag-anak ng desaparecidos sa kanilang nawawala pa ring mga mahal sa buhay. Nagtipun-tipon sila sa Plaza Miranda noong Agosto 30, bilang paggunita sa International Day of the Disappeared.

Pagpaslang sa lider-kababaihan, bata sa Bikol kinondena

Kinondena ng grupong pangkarapatang pantao na Karapatan ang pagpaslang kay Merlyn Bermas, punong barangay ng Brgy. Malaya, Labo, Camarines Norte, lider-kababaihan at human rights advocate. Nadamay din ang isang apat na taong-gulang na bata. Ayon sa Karapatan, nakasakay si Bermas sa isang hauler habang pauwi mula sa pamamalengke  sa Brgy. Anameam, Labong nang barilin siya […]

Mga puwersa ng hustisya sa kaso ng pagpaslang kay Fr. Pops

Naghihinala ang mga grupong pangkarapatang pantao na may anomalya sa mabagal na pag-usad ng imbestigasyon ng gobyerno ng Pilipinas sa kaso ng pagpaslang kay Fr. Fausto "Pops" Tentorio. Samantala, sa kabilang banda, mabilis ang pag-usad ng hustisya sa rebolusyonaryong kilusan. Ang pangako nila: parurusahan ang mga maysala sa pagpatay sa pinamahal na Italyanong pari

Alipin sa lupa

Walang kapantay na militarisasyon ang isinasagawa ngayon ng Armed Forces of the Philippines sa probinsiya ng Quezon. Layunin ng pagbuhos ng militar at mga abuso nila: Para takutin ang mga mamamayang lumalaban sa monopolyo sa lupa at mapanirang mga proyekto. Pero di patitinag ang mga mamamayan