Kalbaryo ng Maralita | Mga kuwento ng pagdamay, paglaban
Patuloy na nararanasan ng mga maralita ang kalbaryo sa lipunan. Patuloy din ang kanilang pagkakaisa at paglaban.
Patuloy na nararanasan ng mga maralita ang kalbaryo sa lipunan. Patuloy din ang kanilang pagkakaisa at paglaban.
Hindi totoong may may-ari na ang mga bahay na inokupa ng mga maralita sa Bulacan. Matagal na itong nakatiwangwang at nabubulok. Makatwiran ang okupasyon.
25 taon nang bigo ang “programang pabahay” ng gobyerno na dapat para sa maralita pero ginagawang negosyo ng iilan. Sa Pandi at iba pang lugar sa Bulacan, lumalaban na ang maralita.
Patuloy ang pananaboy sa mga maralitang lungsod para bigyan-daan ang pribadong negosyo sa San Jose del Monte, Bulacan. Pero naninindigan pa rin silang maralita.
Dumagsa sa may Commonwealth Avenue patungong Quezon Memorial Circle ang marami sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps) ng gobyerno para sa isang pagtitipon para suportahan ang kumakandidatong pagkapresidenteng si Mar Roxas. Mas pagpapaigting pa sa 4Ps ang isinusulong ni Roxas dahil gagawin daw itong batas kung siya ang mahahalal. Ayon kay Gloria Arellano, […]
Dahil nadadaanan ng Marikina Fault Line, bulnerable ang mga relocatee ng Montalban sa pagdating ng "Big One", o ang inaasahang malakas na paglindol na mararanasan ng bansa. Pero kibit-balikat lang ang pamahalaan.
Sa Brgy. Happyland, Tondo, Maynila, isang dayuhang kompanya ang nagtambak ng karbon (coal). Ngunit lumaban ang mga residente sa maitim na balak na unti-unti silang patayin sa lason. Kuha at editing: Gabby Pancho & Katherine Gutlay
Hika, sakit sa balat, at pagsusuka. Ganito ang pang-araw-araw na nararanasan ng maraming residente ng Bgy. 105 Happyland sa Tondo, Manila. Nagsimula nila itong maranasan may isang taon na mula nang magsimulang perwisyuhin sila ng tambakan ng coal na kadikit ng kanilang barangay. Nakapangalan sa Rock Energy ang nasabing bodega na pinag-iimbakan. “Kawawa ang mga […]
Some 700 urban poor from Navotas City gathered at the foot of Mendiola Bridge near Malacañang to protest the threat of eviction from their communities living near the fish port. Carrying a wooden structure symbolizing their homes, they demonstrated against the massive demolition of urban poor homes and off-city relocation schemes under the Aquino administration. […]
Ang buhay niya'y naglalarawan ng paulit-ulit na pagdanas ng kahirapan. Pero naglalarawan din ito ng ibayong paglaban.