Lathalain

Bidyo: Message to my desaparecido

Sa bidyo na likha ni JL Burgos, kapatid ng dinukot na aktbistang si Jonas Burgos, nagbigay ng mensahe ang mga kamag-anak ng desaparecidos sa kanilang nawawala pa ring mga mahal sa buhay. Nagtipun-tipon sila sa Plaza Miranda noong Agosto 30, bilang paggunita sa International Day of the Disappeared.

Sereno, dapat bantayan ng mamamayan – Bayan

Nanawagan ang Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa publiko na maging mapagbantay kaugnay ng pagkakatalaga kay Justice Ma. Lourdes Sereno bilang bagong punong mahistrado ng Korte Suprema. Sinabi ng grupo na hindi dapat ipagwalang-bahala ang pagiging malapit ni Sereno sa administrasyong Aquino. Bagamat lumikha ng kasaysayan si Sereno bilang unang babaeng punong mahistrado, may mga kuwestiyon […]

Paghahabi mula sa panaginip

Ipinapakita ni Limay Maguinlaud ng tribung Mandaya kung papaano maghabi ng tela mula sa abaka. Ayon sa kanila, tanging babaing taga-tribu lamang ang nakakapaghabi ng mga tela batay sa kanilang mga panaginip. Kuha sa isang Craft Tourism Fair sa Davao City. (Ace R. Morandante)

Tuloy ang negosyo, kahit delubyo

Kalagitnaan ng baha at bagyo, pinipilit pa rin ng mga kompanyang Business Process Outsourcing (BPOs) ang kanilang mga empleyado na pumasok. Kakutsaba nila ang gobyerno, inaalok ang mga empleyado ng kaunting dagdag-bayad -- kahit na malagay sa panganib ang mga empleyado. Paano mapoprotektahan ang kanilang mga karapatan?

Diskwalipikasyon ng party-list nina Cojuangco, heneral ng HLI masaker, ipinanawagan

Itinutulak ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at election watchdog group na Kontra Daya ang diskwalipikasyon ng mga party-list ng tiyahin ni Pangulong Aquino na si Margarita “Tingting” Cojuangco at ni Quirino Dela Torre, dating pulis heneral na namuno noong masaker sa Hacienda Luisita. Si Cojuangco ay unang nominado ng Aksyon Magsasaka-Partido Tinig ng Masa, habang si Dela Torre ay […]

Pagpaslang sa lider-kababaihan, bata sa Bikol kinondena

Kinondena ng grupong pangkarapatang pantao na Karapatan ang pagpaslang kay Merlyn Bermas, punong barangay ng Brgy. Malaya, Labo, Camarines Norte, lider-kababaihan at human rights advocate. Nadamay din ang isang apat na taong-gulang na bata. Ayon sa Karapatan, nakasakay si Bermas sa isang hauler habang pauwi mula sa pamamalengke  sa Brgy. Anameam, Labong nang barilin siya […]

Naghihintay ng pag-asa sa Tatalon

Karimlan ang bumalot sa buong eskuwelahan ng Diosdado Macapagal Elementary School sa Brgy. Tatalon, Quezon City noong gabing iyon. Aabot sa 2,000 pamilya ang nakasilong dito matapos lumubog sa baha ang kalakhan ng Tatalon. Walang kuryente sa eskuwelahan — na nakapagtataka dahil sa labas nito, maliwanag ang ilaw ng mga establisimyento. Pinatay ang kuryente sa […]