Lathalain

Dahil sa ilegal na pagpiit sa kampo militar: Detenidong NDF konsultant, nag-hunger strike

Nagsimula kahapon ang walang-taning na hunger strike ni Ramon Patriarca, isang konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na kasalukuyang nakabilanggo sa Camp Lapu-Lapu sa Cebu City, ang himpilan ng AFP Central Command (Centcom) na nakasasaklaw sa buong Kabisayaan. “Hindi ako dapat ikulong sa Camp Lapu-Lapu… Dito ako dinala ng militar nang damputin […]

Lider maralita sa Malabon pinaslang

Pinaslang ng dalawang hindi pa nakikilang salarin si Ernesto Gulfo, 52 taong gulang na taga-Catmon, Malabon noong Mayo 30.  Ayon sa grupong Anakbayan, nagpanggap umanong magbebenta ng tanso ang dalawang salarin kay Gulfo na aktong kakain ng kanyang almusal. Binaril ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa kanyang dibdib at hindi na […]

Pagkatapos ng impeachment: Iba’t ibang grupo nanawagan ng paghatol kay Gloria, pamamahagi ng Luisita sa magsasaka

Tapos na ang impeachment trial laban kay Chief Justice Corona, ngunit para sa mga militanteng grupo dapat na isunod agad ang paglitis paghatol at pagkulong kay GMA dahil siya naman daw ang puno't-dulo ng isinagawang paglilitis. Hindi na rin daw dapat magpalusot si Pangulong Aquino, upang umiwas sa pagtugon sa hinaing ng mamamayan para sa kagyat na ginhawa mula sa kahirapan.

Korporatisasyon ng 26 pampublikong ospital, tinututulan ng Gabriela

Mariing inirehistro ng Gabriela Women’s Party (GWP) ang pagtutol sa pagsasapribado o korporatisasyon ng 26 na pampublikong ospital, isang hakbang ng administrasyong Aquino na umano’y lalong ipagkakait ang serbisyong pangkalusugan sa kababaihan. Sa ika-5 Pambansang Kumbensiyon ng Gabriela, isang pambansang kampanya para sa kalusugan ng kababaihan ang isinulong ng grupo, na pinamagatang “Fight for Women’s […]

Coronavela

Hindi mabuti ang layunin ng administrasyong Aquino sa pagtutulak ng impeachment at hindi rin puro masama ang ginawa ni Corona sa paglaban dito

Mga obrero ng malaking hardware, muling nagwelga

Muling itinirik ng mga manggagawa ng Co Ban Kiat Hardware ang kanilang welga noong Mayo 23, dalawang linggo matapos maipagwagi ang naunang dalawang araw na welga. Inakusahan ng Co Ban Kiat Workers Union ang manedsment ng paglabag sa kanilang kasunduan na maibalik ang tinanggal na mga manggagawa, iregularisa ang mga kontraktuwal at kilalanin ang kanilang […]

‘Dahil sa ‘kakarampot’ na COLA: wage board buwagin na’

“Katiting na nga, tiningi pa.” Ito ang sinabi ni Roger Soluta, pangkalahatang kalhim ng Kilusang Mayo Uno (KMU), sa harapan ng tanggapan ng Regional Wage and Productivity Commission sa National Capital Region. Reaksiyon niya ito sa P30 na dagdag Cost of Living Allowance (COLA) na iginawad ng naturang tanggapan sa halip na magbigay ng makabuluhang […]

Mahal, di maaasahang kuryente, dahil sa pribatisasyon

Walang habas ang taas-singil sa kuryente sa mga lugar na may pribadong kontrol ang suplay at distribusyon ng kuryente. Sa pagtulak ni PNoy ng lalong pagsasapribado ng serbisyo ng kuryente sa Mindanao, nakaamba ang lalong taas-singil sa kuryente