Lathalain

Larawan: Korte Suprema, hiniling na manindigan sa Luisita

Kasabay ng pagpapatuloy ng impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona sa Senado, nagpiket ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita sa harapan ng Korte Suprema para ipanawagang manindigan ang mga mahistrado ng Korte suprema ang kanilang naunang desisyon na ipamahagi na ang lupa sa mga magsasaka. (Macky Macaspac)

Hamon kay PNoy: Gloria, panagutin sa mga abusong militar

Sa gitna ng pagsimula ng impeachment trial kay Chief Justice Renato Corona, ipinaaalala ng mga grupong pangkarapatang pantao na kailangang mas igihan ang pagpaparusa kay dating pangulong Gloria Arroyo, laluna sa mga paglabag niya sa karapatang pantao noong pangulo pa si Arroyo.

7 magsasakang dumedepensa sa lupa, inaresto sa Pangasinan

Pitong lider-magsasaka ang inaresto matapos nila tangkaing pigilan ang pagbabakod ng pulisya sa kanilang lupain sa Camp Gregg Military Reservation, Bayambang, Pangasinan. Ayon sa ulat ng Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luson (AMGL) at Kilusang Magbubukid ng Pilipinas-Pangasinan, noong nakaraang linggo pa pinipigilan ng mga magsasaka ang pagtatayo ng kongkretong mga bakod. Iniutos umano ang pagbabakod ni Pangasinan […]