Mabagal na pag-usad ng impeachment trial, napuna
“Usad-pagong.” Ganito isinalarawan ni Bayan Muna Rep. Neri Javier Colmenares, miyembro ng House Prosecution Team, ang magda-dalawang-linggo nang impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.
“Usad-pagong.” Ganito isinalarawan ni Bayan Muna Rep. Neri Javier Colmenares, miyembro ng House Prosecution Team, ang magda-dalawang-linggo nang impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.
Dalawang babaing kongresista ang mahigpit na tumutol sa pinaigting na presensiya ng mga tropang Amerikano sa bansa na inaalok ng administrasyong Aquino sa gobyerno ng Estados Unidos. Anila, labag ito sa soberanya ng bansa at magdudulot ng ibayong kapahamakan sa kababaihan.
Dahil sa pagtungo nila sa kanayunan para maglingkod doon, patuloy na nakararanas ang mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas ng panghaharas ng militar
Nagmartsa patungo sa lugar ng aksidente sa Makati City ang mga kaanak at tagasuporta ng mga biktima ng aksidente sa konstruksiyon ng Eton Residences noong Enero 27. Ginunita nila ang ang aksidente na ikinamatay ng 11 manggagawa matapos bumigay at bumulusok ang gondolang kanilang sinasakyan. Ipinanawagan nila ang hustisya at hiniling na managot ang manedsment […]
Patuloy ang pagmahal ng presyo ng langis. Kaya para makatipid, kailangan ng isang buong angkan na magmahalan -- at sumakay sa iisang traysikel pauwi mula sa isang resort sa Irosin, Sorsogon. 'Yun nga lang, kailangan ng dagdag-ingat dahil delikado sa haywey. (KR Guda)
Muling nagmartsa ang militanteng mga organisasyon ng kabataan sa paanan ng Mendiola Bridge sa Maynila upang kondenahin ang sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis at nakaambang pagtaas ng matrikula sa mga pamantasan.
Ipinrotesta ng Samahan ng Ex-Detainees Laban sa Detensyon at Aresto (Selda) ang paglipat ng isang bilanggong pulitikal mula sa regular na kulungan patungo sa kampo ng militar sa Central Visayas.
Pinaiigting ng gobyerno ng US ang presensiyang militar nito sa rehiyon ng Asya Pasipiko, kabilang ang Pilipinas. Malinaw na labag ito sa soberanya ng bansa. Pero patuloy naman ang paborableng pagtanggap ng administrasyong Aquino sa presensiyang militar ng US sa bansa
Nagpiket kahapon ang iba’t ibang grupo sa harap ng House of Representatives para ipresyur ang mga mambabatas na umpisahan na ang pagrepaso ng Oil Deregulation Law (ODL), sa gitna ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis. “Ipinakita ng Kongreso na kaya nilang magratsada ng desisyon sa kaso ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona, […]
Patunay ang ulat ng International Labor Organization (ILO) na “napakasama” ang kalagayan ng empleyo sa bansa. Ito ang pahayag ng Kilusang Mayo Uno (KMU), sentro ng militanteng unyonismo sa Pilipinas, matapos maglabas ang ILO ng ulat na “Global Employment Trends 2012: Preventing a deeper jobs crisis.” Sa ulat na ito, sinabi ng ILO na nahaharap ang buong mundo sa hamon na makalikha ng 600 milyong empleyo sa susunod na dekada.