Karapatang Pantao

Korte, nais siyasatin ang mga kulungan ng akusado sa kasong Cadapan-Empeno

Inatasan ng hukom sa kaso laban kay retiradong Hen. Jovito Palparan Jr., at iba pang militar, ang magkabilang panig na kasama sa korteng inspeksiyunin ang Army Custodial Management Unit sa Fort Bonifacio at PNP Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.

Ito’y para mapag-alaman ang tunay na lagay sa naturang detention centers ng mga kapwa akusado ni Palparan na sina Lt. Col. Felipe Anotado Jr. at Staff Sgt. Edgardo Osorio, ayon kay Judge Teodoro Gonzales ng Malolos Regional Trial Court, Branch 14, sa ikatlong pagdinig sa kasong kidnapping at serious illegal detention sa dalawang aktibistang estudyante noong 2006 na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan.

Kasabay ng ikatlong pagdinig sa kaso ni dating Hen. Jovito Palparan, nagpiket ang mga tagasuporta ng mga biktimang sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan sa harap ng korte sa Malolos, Bulacan. Patuloy ang kanilang panawagang kagyat na arestuhin at ikulong ang dating heneral. Kasabay ng pagdinig, isinagawa din ng Karapatan-Central Luzon ang Palparan Summit na may layuning talakayin ang mga paglabag sa karapatang pantao sa panahon ni Palparan at makapagsampa ng panibagong mga kaso laban dito. (Macky Macaspac)

Kasabay ng ikatlong pagdinig sa kaso ni dating Hen. Jovito Palparan, nagpiket ang mga tagasuporta ng mga biktimang sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan sa harap ng korte sa Malolos, Bulacan. (Macky Macaspac)

Inatasan ng hukom sa kaso laban kay retiradong Hen. Jovito Palparan Jr., at iba pang militar, ang magkabilang panig na kasama sa korteng inspeksiyunin ang  Army Custodial Management Unit sa Fort Bonifacio at PNP Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.

Ito’y para mapag-alaman ang tunay na lagay sa naturang detention centers ng mga kapwa akusado ni Palparan na sina Lt. Col. Felipe Anotado Jr. at Staff Sgt. Edgardo Osorio, ayon kay Judge Teodoro Gonzales ng Malolos Regional Trial Court, Branch 14, sa ikatlong pagdinig sa kasong kidnapping at serious illegal detention sa dalawang aktibistang estudyante noong 2006 na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan.

Ang kautusa’y bunsod na rin sa mosyon ng prosekusyon na dapat ay nasa kulungang pang-sibilyan ang dalawang akusadong sina Lt. Colonel Felipe Anotado Jr. at Staff Sergeant Edgardo Osorio.

Sinabi rin ng prosekusyon na mas mahusay na sa PNP Custodial Center sa Crame makulong ang dalawa dahil mas malapit ito sa korte. Hindi naman tinutulan ng mga abogado ng dalawanag akusado ang gagawing pagsisiyasat.

Kasabay ng kautusan, binigyan ng korte ng limang araw ang depensa upang sagutin ang panibagong mosyon ng prosekusyon na nagpapanawagang ibasura ang mosyon ng abogado ni Palparan na magkaroon ulit ng preliminary investigation sa kaso.

Kasama rin sa pinasasagot ng korte sa depensa ang mosyon na kumukuwestiyon ng prosekusyon kay Jesus Santos, abogado ni dating Unang Ginoo Mike Arroyo na tumatayong abogado rin ni Palparan.

Itinakda ng korte ang pagsisiyasat sa dalawang kulungan sa Enero 10.

Hindi ako pugante – Palparan

Samantala, nagpamudmod ng mensahe ang nagtatagong dating heneral sa pamamagitan ni Santos.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Palparan na hindi siya pugante at ilegal umano ang warrant of arrest na inilabas ng korte. “It is a by-product of an improper preliminary investigation,” sabi ni Palparan sa kanyang mensahe.

Sinabi rin ng dating heneral na minadali umano ang pagsampa ng Department of Justice (DOJ) ng bagong kaso ng kidnapping at serious illegal detention, sa kabila umano na napawalang bisa ang walong kaso laban sa kanya.

Giit ng dating heneral, inosente siya sa mga akusasyon. “What I am pleading for is a chance for my side to be heard in a preliminary investigation to show that I am an innocent man,” ani Palparan.

Ngunit sinabi ni Palparan na hindi pa rin siya susuko. “I am just around but I will try my best not to surrender,” aniya.

Duda naman ang mga kaanak at abogado ng biktima sa mensaheng ipinadala ni Palparan. Ayon kay Erlinda Cadapan, ina ng biktimang si Sherlyn, kung totoong mensahe ni Palparan ang ipinamudmod ni Santos, nakapagtatakang wala umanong pirma rito ang dating heneral.

“Mas makakabuti sa kanya na humarap na lamang sa korte at doon niya patunayan na wala siyang kasalanan,” ani Cadapan.

Pinabulaanan din ni Cadapan na minadali ang pagsampa ng kaso laban sa dating heneral. Aniya, dumaan sa mahaba at matagal na proseso ang paghahabol nila upang maisampa ang naturang kaso.

“Ang paghahabol namin sa katarungan ay hindi ginawa sa isang araw lamang, halos anim na taon na.  dumaan na ito sa Korte Suprema, Court of Appeals at sa DOJ.  Hindi namin kinaligtaan ang due process na sinasabi ni Palparan, sinunod namin ito,” giit ni Cadapan.

It is ridiculous,” sabi naman ni Edre Olalia, abogado ng kaanak ng mga biktima at pangkalahatang kalihim ng National Union of People’s Lawyers (NUPL) sa mensahe ni Palparan. Sinabi ni Olalia na nagpapaawa lang umano si Palparan sa kabila ng napakaraming nabiktima niya sa iba’t ibang lugar na destino niya.

Ayon pa kay Olalia, nakapagtataka na hindi alam ng mga abogado ng dating heneral ang kanyang kinaroroonan.

They (kampo ni Palparan) are pulling our legs actually, that they don’t know where he is,” aniya. Sinabi rin ni Olalia na mahirap para sa isang abogado ang pagdepensa sa isang akusado na hindi makausap nang personal.

It is impossible for a client to get services without thorough consultation and representation, especially with a case like this, you just can’t leave it with your lawyers,” ani Olalia.

Dagdag pa niya, hindi rin totoong napawalang bisa ang mga kaso ni Palparan. Ibinigay niyang halimbawa ang nakasalang na kaso sa Ombudsman na isinampa ni Raymond Manalo, ang resolusyon ng Commission on Human Rights hinggil naman sa kaso nina Eden Marcellana at Eddie Gumanoy at ang UN Resolution hinggil dito.

Samantala, bukod sa mga lokal na mga organisasyong nanawagan na maaresto agad ang dating heneral, nagpaabot din ng pagsuporta sa kaso ang iba’t ibang pandaigdigang grupo ng mga abogado tulad ng International Association of Peoples’ Lawyers, National Lawyers Guild of the US,  Progress Lawyers Network of  Belgium at ang Haldane Society of Socialist Lawyers (UK).

The victims and families have been waiting for justice for the longest time. There are prevalent doubts from the victims and their families whether the (Aquino) administration itself has in fact made any serious, systematic  and concrete effort  to initiate the effective and genuine investigation and prosecution of human rights violators of the past and the present,” ani Liz Davies, tagapangulo ng Haldane Society.

Kasabay ng mga panawagan, inatasan ng Communist Party of the Philippines ang New People’s Army na hanapin at arestuhin si Palparan at isuko sa mga kinauukulang awtoridad.