Nagprotesta sa harapan ng embahada ng US ang kababaihan ng Gabriela at International Women’s Alliance (IWA) upang ipaabot ang pagtutol sa planong pagdagdag ng tropang Amerikano sa bansa sa ilalim ng RP-US Mutual Defense Treaty.
Naghapag ang mga lider-estudyante at militanteng mga organisasyon ng kabataan ng mga panukala para mareguplarisa ang paniningil sa mga unibersidad. Sumasalubong dito ang Kamara at ang CHED.
Sa gitna ng kaguluhan sa Syria, nasa alanganing sitwasyon ang maraming Pilipino na hanggang ngayon ay nahihirapan makauwi dahil sa kabiguan ng Department of Foreign Affairs at ng embahada ng Pilipinas sa Syria na pangalagaan ang kanilang kapakanan
Sumuporta ang iba’t ibang sektor sa komunidad ng Unibersidad ng Pilipinas sa isang estudyante na dinahas at pinagnakawan noong Pebrero 1 sa tanggapan ng University Student Council (USC).
“Policy desisyon” ang pagbawas sa natitira pa nilang benepisyo. Ito ang tugon ng Department of Budget and Management (DBM) sa panawagan ng mga manggagawang pangkalusugan na bawiin ng DBM ang planong bawasan ang kanilang natitira pang mga benepisyo. Sa diyalogo sa mga manggagawang pangkalusugan kabilang ang Alliance of Health Workers (AHW), iginiit ng DBM ang […]
Isang milyong pirma ang target na malikom ng militanteng grupong pangkababaihan na Gabriela sa kanilang petisyon kontra sa pagtaas ng presyo ng batayang mga produkto, kabilang ang langis.
Inatasan ng hukom sa kaso laban kay retiradong Hen. Jovito Palparan Jr., at iba pang militar, ang magkabilang panig na kasama sa korteng inspeksiyunin ang Army Custodial Management Unit sa Fort Bonifacio at PNP Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.
Ito’y para mapag-alaman ang tunay na lagay sa naturang detention centers ng mga kapwa akusado ni Palparan na sina Lt. Col. Felipe Anotado Jr. at Staff Sgt. Edgardo Osorio, ayon kay Judge Teodoro Gonzales ng Malolos Regional Trial Court, Branch 14, sa ikatlong pagdinig sa kasong kidnapping at serious illegal detention sa dalawang aktibistang estudyante noong 2006 na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan.
Pinalayas sila sa kanilang mga tahanan sa Kamaynilaan. Ngayon naman, sa mga relocation site, pinababayaan sila. Dausdos ang kabuhayan, bulok ang pabahay, walang serbisyo, at nanganganib pa ang mga residenteng maralita.
Mula sa iba't ibang dinemolis na komunidad sa Metro Manila, nagsisikap ang kababaihan sa relokasyon sa Montalban, Rizal na buhayin ang kani-kanilang pamilya. Tila napakahirap nito sa pabahay ng gobyerno na malayo sa hanapbuhay, walang akses sa batayang mga serbisyo, substandard, at wala pa ring kaseguruhan na mapapasakanila.
Hiniling sa Korte Suprema ng iba’t ibang grupo ng mga maralitang lungsod sa ilalim ng Alyansa Kontra Demolisyon (AKD) na maglabas ng temporary restraining order (TRO) sa demolisyon sa mga maralitang komunidad.