Oplan Bayanihan: Bagong islogan, lumang taktika
Sa kabila ng bagong pangalan, mapanupil na dahas pa rin ang programang kontra-insurhensiya ng AFP at administrasyong Aquino. Nakita ito sa pagpapatuloy ng mga abusong militar
Sa kabila ng bagong pangalan, mapanupil na dahas pa rin ang programang kontra-insurhensiya ng AFP at administrasyong Aquino. Nakita ito sa pagpapatuloy ng mga abusong militar
Namomroblema ang mga magulang sa taas-presyo ng mga bilihin habang mababa ang suweldo. Sa susunod na pasukan, poproblemahin pa nila ang dagdag na taong kailangang pag-aralin ang mga anak
Espesyal na panayam ng Pinoy Weekly Online kay Prop. Jose Maria Sison, tagapangulong tagapagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas at kasalukuyang tagapayong pampulitika ng National Democratic Front of the Philippines sa usapang pangkapayapaan sa gobyerno ng Pilipinas
Hindi pa rin umuusad ang pormal na usapang pangkapayapaan isang taon ang nakaraan.
Galit na galit sa halos-linggu-linggong pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo at batayang mga bilihin, nilusob ng kababaihan ng Gabriela ang Gate 7 ng Malakanyang para iprotesta ang anila'y kainutilan ni PNoy na kontrolin ang presyo ng langis, isawata ang overpricing sa langis, at ibasura ang polisiya ng deregulasyon sa langis.
Muling inihayag ng militanteng mga obrero ang panawagan nila sa Kamara na isabatas ang panukalang P125 makabuluhang dagdag-sahod sa mga manggagawa sa pribadong sektor, dahil sa walang puknat na pagtaas ng mga bilihin, serbisyo at langis
Palala nang palala ang krisis sa edukasyon, ayon sa militanteng mga grupo ng kabataan: papataas na mga matrikula at mga bayarin, pagkaltas muli sa badyet ng sektor ng edukasyon, at kainutilan diumano ng administrasyong Aquino sa harap ng mga ito. Kung kaya muling tutungo ng lansangan ang kabataan, para iprotesta ang tumitinding krisis na ito.
Hinala ng militanteng mga grupong kabataan, hindi hiwalay sa programang kontra-insurhensiya ng militar na Oplan Bayanihan ang mga atake sa mga aktibista tulad sa “Porac 3”, Ekis Gimenez at Lordei Hina, gayundin ang panghaharas at pinaghihinalaang tangkang pagdukot sa mga mamamahayag pangkampus sa Samar nitong Peb. 26.
Naninindigan ang mga manggagawang bukid ng Hacienda Luisita na bungkalin ang lupain ng asyenda--kahit na ang mga lupaing ibinenta ng mga Cojuangco-Aquino sa iba't ibang korporasyon, tulad ng RCBC. Giit nila, bahagi ng asyenda ang naturang mga lupain. Bahagi ito ng dapat na kagyat nang ipamahagi sa kanila.
Maaaring sisihin sa mga kaso ng gang rape sa loob ng kampong militar ang Oplan Bayanihan na gumagamit ng taktika ng pambibitag o panloloko para sa ibayong karahasan, ayon sa Gabriela.