Konteksto

Dahil huling SONA mo na…

Para sa iyo ito, Gloria Macapagal-Arroyo. Pasensiya na’t nakasulat ito sa wikang hindi ka masyadong pamilyar. Isipin mo na lang na balewala ang paghihirap mong intindihin ang sanaysay na ito kumpara sa araw-araw na pakikibaka ng milyun-milyong Pilipino para lang mabuhay. Puno ng pag-asa ang bansa noong mailuklok ka sa puwesto, salamat sa EDSA Dos. […]

Wikang Filipino bilang puhunan?

Ingles para sa matalino, Filipino para sa bobo. Pasensiya na po sa elitistang diskurso. Pero ganito na ang pagtingin ng isang pamahalaang pilit na itinutulak ang wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan. Sa panahon daw kasi ng globalisasyon, magiging susi raw ito ng pag-unlad ng Pilipinas. Kung marunong ka raw mag-Ingles, lahat […]

Bakit mahirap nang paniwalaan si PGMA?

Lahat na lang, pinagdududahan. Bawat kilos, sinusubaybayan. Mahirap talagang maging Gloria Macapagal-Arroyo. Kahit na siya ang Pangulo, alam niyang marami nang hindi naniniwala sa kanya. Sa isang survey ng Social Weather Stations para sa unang tatlong buwan ng 2009, 43 porsiyento ng mga tinanong ay nagsabing hindi sila naniniwalang tapat si Arroyo “sa kanyang balak […]

Isang pakiusap kay Randy David

Mabilis kumalat ang balita tungkol sa iyong planong pagtakbo sa darating na halalan, kasing-bilis ng paggamit ng midya sa katagang “David at Gloriath” para lalo pang kilitiin ang diwa ng mamamayan. Sa wakas, may katapat na si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kung sakaling totoo ang plano niyang tumakbo bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga sa […]

Pananahimik at pag-iingay

May karapatan nga ba si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na gawing pribado ang kanyang plano sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2010? Dapat nga ba nating respetuhin ang kanyang patuloy na pananahimik? Ang sagot ay oo, kung paniniwalaan ang pahayag ng ilang nakapaligid sa kanya – Undersecretary Lorelei Fajardo, Cabinet Secretary Silvestre Bello III at House […]

Pagharap sa mas matitindi pang laban

DAEJEON, Timog Korea – Patapos na ang semestre dito. Kailangan ko na lang isumite ang grado ng mga estudyante sa huling linggo ng Hunyo. At dahil sa Agosto 31 pa magsisimula ang fall semester, mahaba-habang bakasyon ang naghihintay sa akin. Ano pa ba ang dapat asahan sa isang katulad kong nangungulila? Sa kabila ng Influenza […]

Pakikibaka at social media

Social media. Marami akong dapat ipagpasalamat sa kabila ng napakaraming sumbat ng iba. Kung halos araw-araw kang gumagamit ng Internet, malamang na gumagamit ka ng social media. Ang ilang halimbawa nito ay blogs (gaya ng Blogger at Multiply), micro-blogs (gaya ng Twitter at Plurk), multimedia sharing sites (gaya ng YouTube at Flickr) at social networking […]

Kultura ng protesta

Ano ba ang karapatan nating magmartsa o magpiket bilang protesta? Hindi ba’t nakakagambala lang tayo sa normal na kalakaran? Kung paniniwalaan ang isang kauupong party-list representative (na galit sa lahat ng bagay na nasa kaliwa), kailangan nang pagbawalan ang anumang kilos-protesta sa House of Representatives dahil nakakaabala lang ang mga ito sa trapiko, nakakasama sa […]

Iskandalo at peryodismo

Opo, tungkol ito sa mga sex video ni Dr. Hayden Kho na kumakalat ngayon sa Internet at sa mga lugar sa Pilipinas na nagbebenta ng mga piniratang DVD. Alam kong sawang-sawa ka na sa isyung ito, salamat sa midyang binigyan ito ng napakahabang oras at napakalaking espasyo. Nitong mga nagdaang araw, tila wala nang iba […]

Kontradiksiyon ng ating panahon

Bakit katanggap-tanggap ngayon ang karumal-dumal noon? Kailan nagiging normal ang hindi-pangkaraniwan? Paano matutugunan ang mga problemang hindi nakikita? Kahit na may kasagutan mula sa mga “nasa itaas,” ang hinahanap na tugon ng mga “nasa ibaba” ay pilit na ibinabaon. Ang mga salitang pinagsama-sama ng mga nasa kapangyarihan para magkaroon ng pangungusap ay walang malinaw na […]